Lovel, alam mo ba narinig ko kay Madam Deth na uuwi si Boss BDL, balita ko may engagement party daw sa fiesta dahil ikakasal na daw ang Boss BDL natin...sabi ng kasama ni Lovel habang naglalaba.
Agad naman na tulala si Lovel at di nakasagot agad.
Hoy Lovel nakikinig ka ba?
Huh?? Ah....ikakasal na si Boss BDL.. eh di mabuti.... congratulations sa kanya.
Ano ba naman yan Lovel, yan lang Ang komento mo? Dahil ba hindi naniniwala sila madam na nabuntis ni Boss BDL ang anak mo? Ang alam ko kasi di daw talaga siya makakabuntis kahit may ari ng lalaki si Boss BDL.
Tumingin lang si Lovel sa kasama niya ng masama....tumahimik ka nga kung ano ano sinasabi mo.
Agad naman nagpatuloy sa paglalaba si Lovel sa isip-isip niya hanggang kailan iba talaga ang mayaman sa mahirap. Kung magpapakasal man si Bea sa iba sigurado katulad nila ng estado ang babae na pakasalan niya katunayan lang na pinaglaruan niya si Jho. Di na rin importante kung sino ang ama ng anak ni Jho basta aalagaan at mamahalin namin ang apo namin.
Pagdating ng hapon umuwi na si Lovel hindi naman siya pinapansin ng mga boss niya sa mansion parang nakalimutan na nila na pumunta sila sa mansion ng pamilya niya para sabihin sa boss niya na si Bea ang ama ng dinadala ni Jho. Pag naalala yun ni Lovel parang nahihiya at naiinis siya at same time nasasaktan sa nangyari. Pagdating niya sa bahay naabutan niyang umiiyak si Jho habang hinahaplos ni Jaja nag likod nito.
Ate..Tama na iyak mo nakakasama sa baby, Ikaw naman ang gustong maghiwalay kayo tapos ikaw din ang iyak ng iyak baliw lang?
Sumasagot naman si Jho habang umiiyak..Wala din mangyari Ja alam kung di ako ang pipiliin ni Beatriz pag nagkataon mas importante sa kanya ang pamilya niya. Labis ko nang nasaktan sila mama at papa sa ginawa ko.. Ja kung pwede lang umalis dito kung may pupuntahan lang ako na malayo gusto kong umalis dito.
Ate naman pamilya tayo kakayanin natin to isa pa ikaw naman ang girlfriend ni ate Bea kaya malay mo ikaw ang pipiliin pero wala na eh na send mo na ang message. Panu kung uuwi yun agad dito??
Hinding hindi pipiliin ni Bea ang ate mo Ja..( sabat naman ni Lovel at nagulat naman si si Jaja at Jho.
Ma? Kanina kapa dyan? Bakit mo naman na sabi na di pipiliin si ate?
Mga anak balita na sa buong mansion ikakasal na si Bea.
Agad naman napa nga-nga si Jaja at si Jho naman tumudo pa ang hagulgol..niyakap naman siya ni Lovel at sinabihan.
Jho anak siguro di mo pa talaga nakilala si Bea. Hindi mo alam kung ano o sino talaga si Bea Del Leon, sabihin natin more than 1 month kayo nagkakilala malabo parin yun anak..alam mo makilala mo lang ang isang tao pag palage mo itong kasama eh hindi naman kayo palaging magkasama baka hindi talaga love ang nararamdaman niyo sa isat isa. Baka nadala lang kayo sa bugso ng damdamin lalong lalo kana anak wala kapang experience samantalang si Bea simula nag teenager siguro yan maraming babae na pinaiyak yan dahil gwapo siya matangakad mabait..nakakaloka ang ngiti baka physical attraction lang ang nakita mo anak kay Bea.
Tandaan mo anak tama ang ginawa mong pagputol sa relasyon niyo hanggang maaga pa. Huwag kang mag alala anak kami ng papa mo ang tatayong tatay para sa apo namin. Hindi natin kailangan si Bea nak ikakasal na siya sa iba. Kaya tama lang ang ginawa mo.
Tahimik naman na nakikinig si Jho habang humihikbi.....di niya matangap sa sarili na ikakasal si Bea sa iba akala niya pa naman may isang salita si Bea nagkamali pala siya. Akala niya mahal talaga siya ni Bea puro lang pala salita yun.
Maya-maya parang nag okay na din ang pakiramdam ni Jho dahil para sa kanya tanggapin niya nalang na hindi sila para sa isat isa..at dapat maging strong siya para sa baby niya
Nakatangap pa ng message si Jho galing kay Bea..
Anong pinagsasabi mong break up love? Hintayin mo ako diba promise natin yan? Babalikan kita this following days dadating ako dala2x ko ang paborito mo . Alam kung nag jojoke kalang miss mo na ako no?? 😃 Miss na din kita beautiful. Hintayin mo ako may sasabihin ako sayo at malaking surprise to love.. Alam kung gabi na dyan matulog ka ng maaga huwag kang magtrabaho ng patayan sa bukid mahal.. wait for me please..
Ate?? Okay kalang ba? ( Tanong ni Jaja habang nakatagilid si Jho sa higaan dahil umiiyak na Naman sa message ni Bea)
Okay lang ako Ja matulog kana..naiinis lang ako sa manloloko na to.
Ate lagpas na isang buwan si Baby di ka parin nag papa check up sa doctor may natabi naman kaming pera ate pwede kitang samahan bukas sa bayan. Sabi ni Jaja
Nagulat naman si Jho dahil nakalimutan na nya na mag pa check up sa doctor.
Sige Ja may pera naman din ako pwede tayong pumunta sa doctor bukas bakasyon mo naman saka pwede natin ibili si baby ng gamit kung may sobrang pera..
Yehey! Excited akong bumili ng mga gamit ni baby ate..ako na talaga ang pinaka masayang Tita sa buong universe...
Lalo namang tumulo ang luha ni Jho Buti nalang meron siyang pamilyang di siya pababayaan.
YOU ARE READING
COLLIDE
FanfictionIt's like boomerang. Too much love Pain Hatred Sacrifices Too much love This is jhobea fanfiction . ps: Gip Bea Matured contents
