Somewhere in Pasig
December 2023
What's up everybody!
Tuwing pumapasok ako sa trabaho ay habit ko nang maglakad. Fifteen to twenty minutes ang tinatagal ko sa paglalakad mula sa apartment ko hanggang sa pinagtatrabahuan ko. Gusto kong maglakad dahil ito na ang aking ehersisyo. Dati nakakapag-gym ako pero dahil magastos ito ay tinigil ko na kaya ang paglalakad ang aking naging natatanging ehersisyo. Warm up ko na din ito para makahanda sa nakakapagod kong trabaho.
Masaya din ako sa paglalakad dahil ito ang alone time ko. Nakakarelax ako at nakakapag-isip. Parang meditation ko na nga din ito. Habang naglalakad kasi ako ay napapaisip ako kung ano na nga ba ang katayuan ng buhay ko ngayon. Parang nagrerecall ako kung ano na nga ba ang nangyari at kung ano ang mga plano ko.
Madalas suot ko ang wireless earphone ko kaya nakakakinig ako ng mga kanta sa Spotify. Dagdag relaxation sa akin iyon at entertainment. Hindi lang mga kanta ang pinapakinggan ko, pati na rin mga podcast at radio drama. Sa paglalakad ay may natutunan ako dahil sa mga podcast na pinapakinggan ko.
Sa paglalakad ko nahanda ko ang sarili ko parasa pagsubok na haharapin ko sa trabaho. Nakapag-exercise at relax ako.Nasasalubong ko ang mga taong may kanya-kanyang layunin sa buhay. Napapaisipdin tuloy ako kung ano ba ang purpose ko dito sa mundo. Kung ano ba ang hinaharapko at kung matutupad ko ba ang mga plano ko.
