#11 Superman Returns

11 0 0
                                        

Somewhere in Pasig

December 2024

What's up everybody!

Ano na? Kamusta na? Isang taon mula noong huling beses akong nagsulat dito sa aking blog. Isang taon na din ang lumipas noong huling beses akong nagsulat ng kahit ano. Ewan ko ba ang bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Isang taon na agad ang nawala. Isang taon na naman ang nasayang. Hindi naman nasayang in a sense na walang nangyari sa buhay ko. Nag-aadjust pa ako sa buhay na may asawa. Ineenjoy din namin ng asawa ko ang buhay na kaming dalawa lang. Gumagala kami at binibili ang mga gusto namin. Siguro kaya mabilis lumipas ang oras dahil na dun.

Ayoko muna pag-usapan ang buhay ko ngayon. Kaya ako napasulat ngayon dahil sa bagong trailer na nilabas para sa bagong movie ni Superman. Ang daming pwedeng topis pero ito ang napili ko. Habang fresh pa kasi sa utak ko at fresh pa din ang excitement ay gusto ko nang ilabas ang nararamdaman ko dito.

Una agad napansin ko sa trailer ay bright colors ng movie. Dito pa lang makikita na nating positive, hopeful and fun ang magiging theme ng bagong movie unlike sa Man of Steel noong 2013 na dark, moody at masyadong realistic na hindi dapat theme ni Superman. Si Superman kasi ang embodiment ng hope at positivity hindi katulad ni Batman na dark at pwede mong ilagay sa realistic world.

Hindi kailangan gumawa ng movie kung saan makakarelate tayo kay Superman kundi isang movie namagbibigay sa atin ng hope at tuturuan tayo ng kindness. Ang movie ay dapat magiging escape natin sa reality. Habang nanonood tayo ay bibigyan tayo na makarelax at makalimot sa mga problema.

Ang character din ni Superman ay hindi dapat katakutan o bigyan ng negativity. Kaya nga colorful ang costume niya at nasa labas ang brief niya ay para hindi tayo matakot sa kanya. Sa presence ni Superman ay dapat maramdaman natin na safe tayo. Masasabi kong isa siyang fictional friend na ang mga kwento niya ay makaktulong sa atin na makalimot sa mga problema at magbigay pag-asa.

Pangalawa sa napansin ko ay ang introduction kay Krypto. Pagdating pa lang niya masasabi kong ready na i-embrace ni James Gunn (director ng movie) ang quirkiness at fictional world ni Superman na may isang super dog na nag-eexist sa bagong universe na ito. So si Superman ay hindi loner dahil may dog best friend siya. Unlike sa dating movie na laging brooding siya at alone kung saan si Lois Lane lang ang nakakausap niya.

Ang panghuli na i-point out ko sa trailer na ito ay ang updated music theme na base sa gawa ni John Williams. Nagdagdag ito ng nostalgia effect at uplifting feeling sa movie. Marinig mo pa lang ito ay alam mo nang si Superman ang ipapalabas sa sinehan. Updated ito sa modern times pero ang presence at tunog ay mararamdaman pa rin.

Sa huli ay excited akong mapanood ang movie na ito sa July. Alam kong matagal pa pero tulad ng sinabi ko ay mabilis lang lilipas ang mga araw. 

What's UpMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon