CHAPTER 5

382 8 0
                                    

Agad akong tumayo at bumalik sa loob ng banyo para ayosin ang sarili. Namumula ang mukha ko dahil sa pagkakasampal ni Paris sa akin kanina. Siguro magiging pasa nanaman ito.

Napabuntong hininga nalang ako dahil parang wala na talagang magandang nangyari sa buhay ko simula sa araw na 'yon.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni August ng makabalik ako.

"And what happened to your face?" Gulat nitong tanong, napansin parin pala n'ya.

"W-wala, ayos lang ako" alam kong hindi ko s'ya nakumbinsi pero mas pinili nalang n'yang manahimik.

Napalibot naman ako ng aking tingin at napahinga nalang ako ng maluwag ng mapansing wala siya dito. Mabuti narin 'yon.

Gusto ko ng umuwi pero nakita kong nag e-enjoy pa si August kaya nanahimik nalang ako dito sa aming inuupuan habang tinitingnan ang mga tao na nagsasayaw. Kita ko sa mga mata nila ang kasiyahan, agad naman akong napaiwas ng tingin at pinaglaruan nalang ang aking mga daliri dahil nakaramdam ako ng kaunting inggit habang pinagmamasdan sila na malaya at nagagawa ang gusto nila, mayroon din akong nakita na kasama nila ang kanilang mga pamilya at nagtatawanan pa. Nababalot ng inggit ang aking puso dahil kahit kailan ay hindi ko naramdaman iyon sa pamilya ko.

Agad akong naalarma ng maramdaman ko ang isang malamig na malagkit na tumapon sa akin. Agad akong napatayo dahil sa gulat at tiningnan ang may gawa no'n, at dahil do'n ay nakuha namin ang attention ng mga tao.

Para akong basang sisiw dahil sa ginawa nito.

"Oh sorry, sadya" sabay tawa habang may mapangutyang tingin sa akin.

Walang iba kundi si Amber at kasama nito ang mga kaibigan n'ya.

"B-bakit mo 'yon ginawa?" tanong ko dito, pinagtititigan narin kami ng mga tao dahil sa biglaan kong pagtayo.

"Sabihin na natin na dahil gusto ko, bakit may magagawa ka ba?" Nakataas kilay nitong saad.

Sasagot na sana ako ng marinig ko ang bulungan ng mga tao. Hindi ko rin mahagilap si August dahil nagpaalam ito sa akin na pinatawag s'ya ng lola nila.

"Hala diba 'yan yung babae na nakapatay sa fiancé ni Paris"

" She looks familiar"

" Hala what happened"

" Bagay lang naman sa kanya 'yan dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi namatay ang magiging manugang ng mga Galligher"

" tama and I heard buntis daw si Messy ng maaksidente"

Dahil sa sobrang kahihiyan ay umiiyak nalang ako at dali-daling tumakbo palabas sa bahay na iyon.

"A-aray" mahina kong daing ng tumama ako sa isang bagay habang tumatakbo. Hindi ko napansin na may tao pala dahil sa nanlalabo kong paningin dahil sa luha.

Agad akong tumingin dito at sumalubong naman sa akin ang madilim n'yang mukha.

"I told you, you don't belong here, a trash like you doesn't belong here" malamig nitong saad bago ako nilampasan.

Parang piniga naman ang puso ko dahil sa sama ng loob. Agad akong nagpatuloy sa  pag takbo at sakto namang nakasalubong ko si August. Ngumiti ito sa akin pero agad ring nawala at naging seryoso ng makita ang itsura ko.

"W-what happened?" Ngunit imbis na sagutin ay nilagpasan ko ito.

Umiiyak ako habang tumatakbo gusto ko ng makaalis sa lugar na ito. Narinig ko pa ang pagtawag ni August sa likod ko ngunit hindi ko ito pinansin.

"H-hey" agad akong napatigil ng mahawakan nito ang kamay ko.

Agad akong napayakap dito at hindi mapigilang mapahagulhol.

BULLY'S PREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon