NANG mahimasmasan ay agad akong umalis sa pagkakayakap kay manang, masaya ako dahil kahit papano ay naging magaan ang aking pakiramdam.
"S-sige po, a-alis na po ako" paalam ko dito, nakita ko rin sa mga mata nito ang labis na lungkot.
"B-bakit, s-saan ka pupunta. Akala ko uuwi kana?"
Napayuko nalang ako dahil sa sinabi nito, kahit gustuhin ko mang manatili ay hindi naman na nila ako kailangan kaya mas mabuting aalis nalang ako.
"Aalis na po ako manang, alagaan n'yo po sila para sa akin, hindi ko alam kung kailan ako babalik pero baka hindi na rin po ako makabalik pa dito. Mukhang wala naman na akong babalikan" mahina kong saad at tumingin pa sa gawi kung nasaan ang aking pamilya na ngayon ay mas lumakas ang kanilang halakhakan na mas lalong pumiga sa puso ko.
Pagkatapos kong magpaalam kay manang ay umalis na rin ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta nakakahiya naman kung kina August ako, ang laki na ng utang na loob ko sa kanila.
Pasado alas syete narin ng gabi at andito ako sa isang parke dahil dito ako dinala ng aking mga paa, siguro dito na rin ako magpapalipas ng gabi. Bahala na. Pinapanuod ko lang ang mga taong dumadaan hanggang sa lumipas pa ng ilang oras hanggang sa unti-unting kumokunti ang mga tao dahil nagsisiuwian na.
Nakayuko lang ako sa isang mesang naroon dahil ramdam ko rin na masama nanaman ang pakiramdam ko, sumasakit lalo ang ulo ko dahil siguro sa kakaiyak ko kanina. Hindi ko narin namalayan pa na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako dahil may marahang yumuyugyog sa balikat ko, at bumungad sa akin ang nag-aalala na mukha ni August.
"A-august" mahina kong tawag sa pangalan n'ya.
Agad naman ako nitong niyakap at marahang hinahaplos ang aking buhok.
"Jusko Amellean, I'm glad that I found you here, kanina pa kita hinahanap dahil wala ka sa palengke tapos dumaan ako sa apartment mo para sana sunduin ka pero nalaman kong wala ka na pala do'n, labis mo akong pinag-alala mabuti nalang at nakita kita dito na buo pa"
" What's funny about?" taas kilay na tanong nito ng mapatawa ako dahil sa haba ng sinabi nito.
" Wala oa mo"
"Girl hindi ako oa ano, nag-aalala lang ako sa iyo para na kitang kapatid tapos malalaman ko nalang na umalis ka hindi mo manlang ako tinext o di kaya tinawagan" mataray nitong saad.
"wala na akong cellphone, remember matagal na akong wala no'n"
"whatever, ibibili nalang kita bukas para naman maging updated ako sa mga ganap d'yan sa buhay mo. Let's go sa bahay ka na tumira" hindi na ako umangal pa dito dahil kinaladlad na n'ya ako patungo sa sasakyan nito habang sa kabilang kamay naman ay hawak n'ya ang isang maleta ko.
"Pa'no mo pala nalaman na ako 'yon?" andito na kami sa loob ng sasakyan n'ya at pauwi na kami ngayon sa bahay nila.
"Syempre, buong pagkatao mo kilatis ko na at saka iyong maleta mong SpongeBob ang napansin ko, tayong dalawa bumili d'yan kaya"
"Sorry ah, kung pinag ala-ala pa kita"
"Sus ano kaba importante walang masamang nangyari sa'yo jusko alas onse na ng gabi tapos ikaw natutulog do'n, hindi ka pa naman hilo hindi ba?" agad naman akong napatawa dito, itong baklang ito talaga kahit kailan.
"Yeah, maraming salamat talaga"
"Don't mention it"
Pagdating namin sa bahay nila ay tinulungan naman n'ya akong dalhin ang mga maleta ko, tahimik na rin ang buong bahay dahil siguro ay tulog na sila tita. Iginiya na rin ako ni August sa guest room ng bahay nila at do'n ay nagpahinga na ako dahil randam kong kahit anong oras ay mawawalan na ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit ng aking ulo.
BINABASA MO ANG
BULLY'S PREY
Romance"I really hate your face and everything about you, You ruined everything, you ruined my life" -PARIS