CHAPTER 21

615 16 10
                                    


"Congrats, Amellean!" nakangiting bati sa akin ni Clay and kissed my cheeks.

"Thankyou, and congratulations too for winning the title" s'ya ang nanalo as the King and I only won as a first runner up and I guess, it's not bad for a first timer.

Pagkatapos ng coronation at picture taking ay nagpaalam narin ako kay Clay na magpapalit na muna ng damit, dahil ramdam ko na ang lamig sa suot kong gown. Gusto man akong samahan ni Clay ngunit ako na ang humindi dito, nakakahiya naman. Marami pa kasi ang nag pa pa picture sa kan'ya.

Habang binabagtas ang daan pabalik sa dressing room ay may iilan akong nakasalubong na mga estudyante may iba na bumabati and I just smiled at them.

Parang nabunutan naman ako ng tinik ng makarating na agad ako sa dressing room.

Agad din akong nagpalit ng komportable na damit at inalis ko narin ang make up ko. Uuwi narin ako dahil panigurado sa labas nanaman ako ng condo ni Paris matutulog.

Pero mas okay na sa akin 'yon kaysa sa bahay nila kami umuuwi, wala talaga akong pahinga doon dahil sa dami ng kakailanganin na gawin, lalo na sa hacienda nila.

Bitbit ko na ang aking mga gamit ng may isang bulto ng tao ang humarang sa aking dadaanan. Kunot ko itong tiningnan, but he just gave me a smile and handed me a bouquet.

"Congratulations, Amellean!" nakangiting saad ni Clock.

Nakatitig lang ako sa kan'ya, hindi ko inexpect na magkita ulit kami dahil ngayon lang ulit nagtagpo ang landas namin dahil sa maraming kaganapan sa buhay ko.

"T-Thankyou, Clock. Nag-abala ka pa" kamot batok kong saad at tinanggap ang dala nito.

Ambango!

Hindi rin maipagkakaila na kinakabahan ako baka kasi makita kami ni Paris. Ayoko talagang madamay si Clock sa galit ni Paris sa akin.

"Don't mind that Gallagher, he's not around. Umuwi na 'yon kanina pa" he added. Napansin siguro nito na palinga-linga ako.

"A-ah eh-" hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko kaya napatawa nalang ito at ginulo ang aking buhok.

"By the way, Are you going home already?" Tanong nito na s'yang ikinatango ko  lang.

"Hatid na kita"

"Hala, naku! H'wag na, marami pa namang taxi ngayon eh" tanggi ko.

Ito nanaman ang pamilyar na kaba sa aking dibdib

"No, I insist. Promise!" saad nito ngunit napailing lang 'din ako.

"You sure?" Panigurado nito sa'kin.

"Oo naman, and maaga pa naman eh. Umuwi ka nalang sa inyo and magpahinga kana rin" pilit na tumango nalang ito sa sinabi ko.

"Hays, okay. Hatid nalang kita sa parking lot and let me carry your bags" at kinuha na nga nito ang aking mga gamit. Kaya no choice na'rin ako.

Pero bago kami nagtungo sa parking area ay nagpaalam muna ako sa adviser namin na uuwi na'ko. Pumayag din naman ito agad.

"Sure kaba na hindi ka magpapahatid?" Tanong nito ulit.

Napatawa naman ako dahil kanina pa ito nangungulit sa'kin.

"Gan'to nalang, sa'ka nalang ako uuwi kapag nakasakay kana. Masyado ng delikado ngayon para sa'yo. Wala ng dumadaang mga sasakyan"

Dahil sa kakulitan n'ya ay pumayag nalang din ako dahil ayaw n'ya rin naman talagang umalis.

Ewan ko din ba at bakit walang masyadong sasakyan ang dumadaan, kung meron man ay puno din dahil siguro oras na ng uwian ng mga empleyado kapag gan'tong oras.

"It's already  11:00 pm, so paano ba 'yan. Ihahatid nalang kita" kamot batok nitong saad.

Tama nga naman s'ya, lumalalim narin ang gabi at nakakahiya narin sa kan'ya. Siguro naman hindi narin ito malalaman pa ni Paris. Tulog naman na ata ang isang 'yon ngayon.

Kahit nagdadalawang isip parin ay napatango nalang ako kay Clock, inalalayan naman ako nito papuntang sasakyan n'ya at s'ya narin nagbitbit ng aking mga gamit na s'yang nagpa bilis nanaman ng tibok ng aking puso.

Ewan ko ba pero kapag malapit si Clock ay palagi nalang akong kinakabahan, hindi dahil sa takot pero kakaiba ang presensya na ibinibigay n'ya sa'kin and the feeling is new to me--Oh My God!

Do I like him?

"Saan ba kita ihahatid?" Nagising lang ako sa malalim na pag-iisip ng magsalita ito.

Nauutal ko namang sinabi ang address ng condo ni Paris, marahil ay nagtataka s'ya kung bakit doon pero hindi naman ito nagtanong pa na s'yang ikinapasalamat ko dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko.

"Maraming salamat talaga Clock ha, andami ko ng utang na loob sa'yo" saad ko ng marating namin ang parking lot ng condo ni Paris.

"No worries, maliit na bagay. Atleast, safe kang nakauwi" he replied and gave me sweet smile na s'yang nagpabaliw nanaman sa puso ko.

Juskooo, Clock tama kana!

Agad akong nag-iwas ng tingin dito at dali-dali naman itong bumaba para pagbuksan ako ng pinto at kinuha ang mga gamit ko na nasa likod.

"Sure kaba na hindi na kita ihahatid sa loob?"

"Yup, saka safe naman na ako dito. Umuwi kana late na rin kaya, baka mapagalitan ka pa ng parents mo"

"Okay. Goodnight, Amellean and congratulations again. Hope to see u again sa school" saad nito bago tumalikod at sumakay na sa kan'yang kotse.

"Goodnight, Clock!"

Ngumiti lang ako dito habang kumakaway. Nang makaalis na ang kan'yang kotse ay malaki ang ngiti ko habang binabagtas ang daan patungo sa elevator papunta sa room ni Paris. Bitbit ko din ang bulaklak na bigay ni Clock kanina.

Pagdating ko sa harap ng pinto ng room ni Paris, ay naupo nalang ako sa lapag at saka ko lang naramdaman ang sobrang pagod at antok.

Pipikit na sana ako ng marinig ko na parang may nababasag sa loob, dali naman akong napabalikwas. Seems like I don't have any choice kundi pumasok, agad kong pinihit ang door knob and to my surprised ay hindi pala naka lock ito.

Himala!

Dali-dali akong pumasok at agad na hinanap ang switch ng ilaw.

Bumungad sa aking harapan ang kalat sa loob ng condo n'ya, parang dinaanan ng bagyo. Ngunit, agad ding napako ang paningin ko sa taong nakaupo sa single couch na nandidito sa loob, walang iba kundi si Paris.

"P-paris" kinakabahan kong tawag sa pangalan nito, may hawak parin itong in canned beer at mukhang lasing na rin ang isang 'to.

Agad kong isinarado ang pinto at lumapit dito, ngunit natigil din ng marinig ko nanaman ang nakakatakot na boses nito na dumagondong sa buong silid.

"Bakit ngayon ka lang?" Nabuhay nanaman ang takot sa loob ko at hindi ko mahanap ang sagot sa simple n'yang katanungan sa akin.

Nang mapansin na hindi ako makasagot ay s'ya na ang naglakad papalapit sa akin mismo at marahas hinila ang braso na s'yang ikinadaing ko.

"Why cant you answer my d-mn question huh?!" Halata na nauubos nanaman ang pasensya nito sa akin, napaigik nalang ako ng mas lalong humihigpit amg hawak n'ya.

Magsasalita na sana ako ng bumaba ang tingin n'ya sa mga dala ko, at mas lalong dumilim ang mukha nito ng makita ang bulaklak doon.

Agad n'ya itong hinablot sa akin na s'yang ikinatanga ko nalang dahil sa gulat.

"Who gave u this?" Hindi nanaman ako nakasagot sa tanong nito.

"I am asking you woman, who gave you this!"

"S-si C-clock" mangiyak-ngiyak kong sagot dito, nakikita ko na rin ang ugat sa leeg nito dahil siguro sa galit.

" You b-tch!"

" N-no" mahina kong saad ng makita kung ano ang ginawa n'ya sa mga ito.

Sinira n'ya at tinapaktapakan n'ya ang mga ito mismo sa harap ko, at doon na nagsitulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ang sama mo talaga Paris!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BULLY'S PREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon