THIRD PERSON'S POV"Bro you are being too much to her" sita ng kaibigan nito na ang pangalan ay Josh.
Nasa hacienda sila ng mga Gallagher, dito sila madalas tumatambay kung wala silang pasok at sa hindi nila inaasahan ay makikita nila ang dalaga sa lupain na pagmamay-ari ng kaibigan.
"Why do you care?" Blangkong tanong ng binata sa kaibigan at dineretsong nilagok ang isang beer.
"Hey man chill" sita pa ng isa pang kaibigan nito na si Cleven na ngayon ay kakalabas lang galing sa kusina. Mahilig kasi itong magluto kaya madalas ito ang nagluluto ng kanilang makakain.
Medyo nagkakainitan ang dalawa dahil para sa kaibigan ay sumosorba na ito sa pinagagawa sa babae na ngayon ay kasalukuyang nagtatanim ng palay na s'yang matatanaw lang mula sa terrace ng mansyon ng mga Gallagher kung saan sila ay nakatambay.
Sobtang tirik na tirik ang araw at kitang-kita ang pagod sa dalaga at medyo nahihirapan ito sa pag tatanim dahil siguro ay hindi ito marunong. Lingid rin sa kaalamn nila na namumula na rin ang mapuputing balat nito dahil sa tama ng araw.
Napangisi naman ang binata dahil sa nakikita nito na nahihirapan ang dalaga. Hinding-hindi n'ya ito titigilan dahil para sa kanya ay kulang pa ang pinagagawa n'ya para mapatawad ito sa ginawa nito sa mag-ina n'ya. Bigla namang dumilim ang paningin n'ya at napakuyom ang mga kamao sa t'wing naiisip n'ya ang kaniyang mag-ina.
Kung hindi sana dahil sa babaeing iyon ay hindi s'ya magdurusa ng gano'n, at sana masaya s'ya kasama ang kan'yang magiging pamilya.
"Where are you going bro?" tanong ng kaibigan na si Kiyo na half Japanese ng bigla itong umalis sa harap nila.
Imbis na sagutin ay nagpatuloy lang ito sa pagbaba at lumabas ng mansyon. Sumakay s'ya sa kanyang raptor at tinungo kung nasaan ang palayan.
Binati naman s'ya ng mga tauhan nila na nadadanan n'ya.
"Who told you to rest?" bigla namang napabalikwas ang dalaga sa pagkakaupo sa isang puno ng mangga na malapit sa taniman ng palay ng marinig ang malamig na boses galing sa likod nito.
AMELLEAN'S POV
"P-paris" kinakabahan kong tawag sa pangalan nito. Kita ko kong paano manlisik ang mga mata nito habang mariing nakatitig sa akin.
"I'm asking you woman?!" mariing saad nito.
" P-pasensya na" dali-dali naman akong tumalikod dito para bumalik sa aking trabaho, pero bago pa ako makalayo ay narinig ko pa ang pagkausap nito sa isang tauhan nito na s'yang ikinasikip ng dibdib ko.
"Don't you ever dare give her a water, or else!" Mabilis kong pinunasan ang luha na biglang kumawala galing sa aking mga mata.
Ilang araw na ako dito sa hacienda nila at walang palya ang mga araw na iyon na nakakaranas ako ng hindi maganda galing sa mga kamay n'ya. Habang tumatagal ako dito ay mas lalong nagiging impyerno ang buhay ko.
Sobrang pagod na pagod na ang aking katawan sa mga pinapagawa n'ya pero wala akong magagawa kundi sundin ang mga ito dahil sinasaktan ako nito kapag hindi ko sinusunod ang mga sinasabi n'ya.
"A-ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Yna, ito ang kapatid ni Justin. Ilang taon lang ang agwat ko sa kanya at kasalukuyan din itong nag-aaral ng kolehiyo at sa tuwing wala itong pasok ay tumutulong ito sa mga magulang n'ya sa pagtatrabaho dito sa hacienda.
Ngumiti naman ako dito para iparating na ayos lang talaga ako.
Hindi ko na mabilang kong ilang beses na akong napapalunok dahil sa sobrang uhaw dahil sa sobrang init ng panahon. Pagod na pagod na rin ako pero hindi ako pwedeng magpahinga dahil nakabantay si Paris sa akin. Halos mahimatay na ako dahil sa init pero tinatagan ko nalang ang aking sarili. Balang araw makakaalis rin ako dito. Darating din ang araw na matatanggol ko rin ang aking sarili mula sa kanya at sa mga taong nang-aapi sa akin. Sana nga ay dumating ang araw na iyon.
Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga palay habang hindi namamalayan na tumutulo na din pala ang aking luha.
Lumipas pa ang dalawang oras at nagpapahinga na rin ang ibang tauhan sa ilalim ng malaking puno ng mangga hindi ko na mabilang kung ilang beses na silang nagpapahinga samantalang ako heto parin ako ay patuloy pa rin sa aking ginagawa.
Napabuntong hininga nalang ako at nagpokus nalang sa akingh ginagawa. Iniisip ko nalang na para ito kina August, mas okay na ako ang magdusa kaysa naman idamay sila nito.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng medyo lumubog na ang araw dahil hapon na, umuwi na rin ang ibang tauhan. Napakamot nalang ako sa aking ulo ng tanawin ang haba at laki pa ng kailangan naming taniman.
Nang mapansin na ako nalang mag-isa ang nasa palayan at nag-aagawan narin ang araw at dilim ay napag pasyahan ko nalang na umahon na rin para makauwi. Pansin ko rin na wala na si Paris, kaya okay naman na siguro na umuwi na rin ako.
Tahimik kong binabagtas ang daan papunta sa kubo na kung saan ako dinala no'ng ipina kidnap n'ya ako. Do'n ako tumutuloy simula ng dinala ako rito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking mumunting bahay, bumungad naman sa akin ang madilim na loob kaya agad kong hinanap ang aking lampara na s'yang nagsisilbing ilaw sa loob.
Dali-dali akong nagtungo sa maliit na kusina nitong kubo para uminom ng tubig, halos mabilaukan pa ako dahil sa pagmamadali na makainom. Nakaginhawa naman ako ng maluwag pagkatapos.
Agad akong nagtungo sa itaas ng kubo para makapagpalit ng damit. Magpapahinga na sana ako ng marinig ko ang boses ni Yna sa labas.
"Oh Yna bakit ka andito, gabi na ah?" Agad ko naman itong iginiya sa loob.
"May pinapabigay si inay, ito oh ulam. Nakauwi kasi si Kuya dahil may activity sa school nila ng dalawang araw kaya dito nalang muna s'ya"
"N-naku, nag-abala pa talaga ang mama mo. Maraming salamat Yna" Masaya kong saad. Umalis na rin ito pagkatapos.
Mababait ang mga tao dito ngunit ang pamilya lang nila Justin ang medyo na close ko na. Kahit paman ipinaalam ni Paris na walang pwedeng tumulong sa akin habang nasa hacienda ako ay ginagawan parin ng pamilya nila ng paraan upang matulungan ako. Nalaman din nila na kaya ginagawa ni Paris ito sa akin dahil sa kasalanang nagawa ko pero kahit paman sa gano'n ay hindi nila ako inayawan at minaliit.
Malawak naman ang aking ngiti ng makita na isa itong letchon manok at pinakbit. Matagal na rin palang hindi ako nakakain ng ganitong ulam, dahil minsan ay tuyo at mantika lang ang aking nagiging ulam dahil wala naman akong pambili ng pagkain ko.
May pinapahatid naman si Paris sa akin na isang kilo ng bigas at iyon ang bina budget ko sa araw-araw dahil hindi ko alam kong kailan ulit ako papahatidan ng bigas kaya minsan sa sobrang pagtitipid ay natutulog nalang ako habang kumakalam ang sikmura.
Hindi ko maiwasang mapaiyak sa tuwing naiisip ko ang aking sitwasyon, ang layo-layo nito sa buhay na pinapangarap ko, pero alam ko kahit ano'ng gawin kong likramo ay hindi n'ya ako papakinggan.
Mabuti nalang din at nakakapag-aral parin ako kahit papano dahil isinasabay ako nito sa pagpasok.
A/N: sorry sa tagal ng update, medyo na busy lang sa isang story ko at pati na rin sa online class. Thank you for reading & God bless!
BINABASA MO ANG
BULLY'S PREY
Romance"I really hate your face and everything about you, You ruined everything, you ruined my life" -PARIS