Pagkatapos kumain ay hinugasan ko muna ang aking pinagkainan. Kahit ala sais palang ng gabi ay inaantok na ako dahil na rin siguro sa pagod na aking naramdam."Oh look who's here" taas kilay na saad ni Amber.
Dali-dali ko namang inayos ang aking mga gamit para makalabas. Kakatapos ko lang mag cr at sa hindi inaasahan ay maaabutan ako nito.
"A-amber" daing ko ng bigla ako nitong haklitin sa braso. Sobrang sakit no'n dahil nararamdaman ko na bumaon ang matataas nitong kuko doon. Tila nasayahan naman s'ya sa kanyang nakikita.
"Akala mo makakalimutan ko ang ginawa sa akin no'ng nakaraan"
Binalot naman ng kaba ang aking dibdib ng makita na may inilabas na lubid ang mga kaibigan n'ya.
"A-anong g-gagawin n-nyo?" nagkanda utal-utal pa ako ngunit ngisi lang ang isinukli nito sa'kin.
"Girls, tie her" Agad naman lumapit sa akin ang dalawa nitong kaibigan.
Agad akong napaatras dahil sa pagkakataranta pero nahuli parin ako ng mga ito dahil wala na akong iba pang maaatrasan dahil sa pader.
Pilit akong nagpupumiglas sa hawak nila, dahil natatakot ako sa maari nilang gawin sa akin lalo na at walang ibang tao ang pumasok dito.
"Stay still" mariing saad nito dahil sa paglilikot ko.
Nang makakuha ng tiyempo na makaalis sa pagkakahawak nila ay agad akong tumakbo patungo sa pinto, bubuksan ko na sana ito ngunit may humila sa buhok ko upang mabitawan ko ang siradura ng pinto.
Nanggigilid ang mga luha ko habang kinaladkad nila pabalik dahil sa sakit ng anit ko dahil sa pagkakahila ni Amber. Iniharap ako nito at sumalubong sa akin ang nanlilisik nitong mga mata.
"T-tama n-na" umiiyak kong saad pero imbis tumigil ay nagtawanan lang sila.
"Hold her!" utos nito sa kasamahan.
Akala ko ay aalis na ito pero halos mapaluhod ako ng bigla akong sipain nito diretso sa sikmura. Sobrang sakit ng naramdaman ko at tila ay nawala saglit ang aking ulirat dahil sa ginawa nito, napalihod at napa ubo dahil sa sakit agad naman akong itinayo ng mga ito.
Hindi na ako nakapalag pa ng simulan na nilang ipulupot ang lubid sa akin dahil nagsimula na rin akong manghina, mariin akong napapikit dahil biglang naging blurry ang paningin ko dahil sa pagkahilo, lupaypay rin ang katawan ko dahil sa pagsipa ni Amber.
Iyak lang ako ng iyak habang may ginagawa sila sa katawan ko. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang sila sa kanilang ginagawa at ang huling naalala ko lang ay ang pag-untog ng mga ito sa aking ulo sa pader na s'yang ikinadilim ng aking paningin.
"Die b-tch"huling narinig ko bago tuluyang lamunin ng kadiliman.
Jusko.
Nagising lang ako ng maramdaman na nangangawit na ang aking katawan. Sobrang bigat ng katawan ko at ramdam ko rin ang sakit sa tiyan ko dahil sa pagsipa ni Amber kanina. Inilibot ko ang aking paningin at agad ring napayuko ng makita ang maraming estudyante na nakapalibot sa akin, andito nanaman ako sa gitna ng field at alam ko na ang gagawin nila. Nakagapos ang aking mga kamay pataas sa isang bakal at ang aking mga paa naman ay nakagapos rin.
Hindi rin nakataas sa aking panginingin ang nakakamatay na mga tingin ni Paris sa akin at ang nakakakilabot na mga ngisi nito.
"Mabuti naman at gising kana" Maarteng sambit ni Amber.
Agad akong nag-iwas ng tingin dito.
"I told you, mali ang kinalaban mo!" mariin akong napapikit ng dahan-dahan nitong hinawakan ang aking mukha at madiin na hinawakan.
"And now, let's see kung sino ang mas ka awa-awa sa atin" umalis ito sa aking harapan na may nakakatakot na ngisi na nakapaskil sa mga labi nito. May sinenyas naman s'ya sa mga estudyanteng naririto.
At do'n ko nalaman kung ano ang mga bitbit nila. Nagsimula nang ibinato nila sa akin ang mga hawak nila samantalang ako ay napapikit nalang habang dinadamdam ang sakit ng mga tama ng itlog sa buo kong katawan, ang mga itlog, kamatis, harina, at tubig. Sobrang lansa ko na dahil sa halo-halong baho na tumama sa aking katawan.
Napailing naman ako sa aking iniisip kulang nalang ay lutuin ako dahil halos kompleto na ang ibinabato nila sa akin.
Tila namanhid ang aking katawan sa mga oras na ito, wala na talagang bagong nangyayari sa akin. Ramdam ko na sobrang lagkit ko na din, naririnig ko rin ang iba ay nagtatawan pa at kumukuha ng video kung paano nila ako pahirapan.
Ilang sandali pa ang lumipas ng maramdaman kong wala ng kahit anong tumatama sa akin, at do'n medyo nakahinga ako ng maluwag.
"C-clock?" Gulat kong tawag sa pangalan nito ng magtaas ako ng tingin.
Blangko lang ang mga tingin nito sa'kin, basa na rin ito at ang dumi ng likod n'ya, do'n ko lang namalayan na sinalo n'ya ang mga ibinato nila sa sa akin sana tatama.
Inilibot ko ang aking tingin at lahat sila ay napatigil at gulat maliban lang kay Paris na kasama ang mga kaibigan nito na ngayon ay hindi ko mabasa ang iniisip dahil blangko lang ang mga mukha nitong nakatingin sa gawi ko. Nahagip din ng mata ko ang nagpupuyos na galit na galit na si Amber kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"A-anong g-gina-g-gawa m-mo rito?" nahihirapan kong tanong.
"U-umalis kana" Mahina kong saad dito, ayokong pati s'ya ay idamay ni Paris sa galit n'ya sa akin.
"What do you think you are doing McGregor?" hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Paris.
Ngunit imbis na sagutin n'ya ito ay lumapit lang ito sa akin at agad akong kinarga para matanggal ang aking kamay sa pagkatapos.
Hindi ko namalayan na humihikbik narin ako habang tinatago ang mukha sa kanyang dibdib. Tila ay nakanahap ako ng kakampi pero agad ring napawi ang iniisip kong iyon ng marinig ang malamig na boses ni Paris.
"Put.her.down.McGregor!" May diin ang bawat sinasabi nito.
"Stay still" malamig na saad ni Clock at ramdam ko ang paghigpit ng kanyang mga kamay ng sinubukan kong bumaba.
"Why?" Nakaharap na s'ya ngayon kay Paris habang karga-karga ako.
Natahimik naman ang ibang estudyante at hinihintay ang susunod ma mangyari, hindi ko mapigilang mapahigpit ang kapit kay Clock dahil ramdam ko ang tensyon sa dalawa.
Gusto ko nalang lamunin ng lupa ngayon dahil sa kahihiyan.
"Ibaba mo s'ya!"
"What if I won't?" Nakikita ko ang pagpipigil lang ni Clock sa kanyang galit.
"I tell you McGregor hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo" banta nito.
Dahil sa takot ay tumalon ako sa pagkakarga mula kay Clock, madungis na rin ang itsura n'ya. Parehos kaming malansang dalawa dahil sa amoy ng itlog.
"O-okay na a-ako" lalapit pa sana ulit ito sa akin pero ako na ang umatras, nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.
"Please?" pagmamakaawa nito habang iniaabot ang kamay ko, tiningnan ko lang ito at bago ko pa maabot ito ay agad na may kumaladkad sa akin.
Mas lalo lang dumoble ang aking kaba ng makita ang madilim nitong mukha, umiigting na rin ang mga panga nito. Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa akin, gustuhin ko mang mag reklamo pero tila ay nawala ang aking dila dahil sa takot na may gagawin nanaman s'ya sa akin kapag nagkamali ako.
Wala na akong pakialam sa kung ano man ang itsura ko ngayon dahil mas nangibabaw parin sa akin ang takot kay Paris.
Sigurado akong ito na ang aking katapusan.
A/N: I'll update this 3 times a week i guess depende kung kailan ulit ang available time. Enjoy reading!!
BINABASA MO ANG
BULLY'S PREY
Romance"I really hate your face and everything about you, You ruined everything, you ruined my life" -PARIS