CHAPTER 4

389 9 0
                                    


"Bakla, huwag nalang kaya tayong tumuloy" bulong ko rito ng parehos kaming makababa ng sasakyan.

"Ano kaba naman, minsan lang to 'no, at saka mawawala rin 'yan mamaya" saad nito at hinawakan ako sa kamay para pakalmahin.

Nagsimula na kaming naglakad sa hagdan papasok sa loob ng mansyon. Kung gaano kaganda ang nasa labas mas domoble naman ang ganda ng nasa loob. Halos lahat ay gawa sa gold. Hindi ko alam kung totoong gold ba talaga or ano basta ang masasabi ko lang ay ang ganda ng bahay mula sa mamahaling furnitures nito at kakaibang mga disenyo na sa ibang bansa lang makikita at napakalawak pa nitong bahay. Pagkapasok namin ay marami agad mata ang nakatingin sa amin lalo na ang kababaihan na nakatitig talaga kay Augustus. Naku kung alam n'yo lang kung ano itong kasama ko.

"Chin up bakla, ano ka ba. Paano tayo makakabingwit ng pogi n'yan" bulong nanaman nito sa akin  ng mapansing kanina pa ako nakayuko.

Narinig ko naman ang mahihinang tilian ng kababaihan.

"K-kinakabahan kasi ako" balik kong bulong rito. Narinig ko naman ang tawa nito.

"Hi couz, I'm glad that you came" salubong sa amin ng isang lalaki.

" Hello Oliver, yeah by the way I bought you a gift" saad ni Augustus sabay lahad ng bitbit n'yang channel bag.

"Happy birthday, couz"

Oh---okay, awkward.

" Thanks couz, and who's this pretty lady beside you?" tanong nito sa pinsan habang nakangiting nakatingin sa akin.

" Oh before I forgot this is Amellean Montelban a friend of mine,  and sis this is my cousin Oliver Ingrid" pagpapakilala ni Augustus.

" H-hi, Happy birthday Oliver" bati ko rito.

" Thanks, I'm Oliver" pagpapakilala nito ulit sabay lahad ng kamay n'ya na tinaggap ko rin.

"You look familiar to me" bulalas nito habang sinusuri ang mukha ko.

" Yeah, tama. You were the one that Paristan used to bully in school right?" Panigurado nito.

M-magkaibigan sila?

" No! No! Don't be scared Lean. We are friends but I don't have any hatred with you" Bawi nito nito ng mapansin ang pag atras ko.

Tila nabubutan naman ako ng tinik ng bitawan nito ang kamay ko.

"A-ah sorry but I don't know you" diretsahan kong saad.

Hindi ko naman kasi s'ya kilala dahil dalawa lang naman ang kaibigan ni Paris ang kilala ko na kaklase namin. Siguro gano'n nalang din ka pre occupied ang utak ko sa araw-araw na nangyayari sa akin para hindi mapansin ang mga taong nakakasalamuha ko.

"No, it's okay. I should be the one should sorry eh" kamot batok nitong saad. I can sense that Oliver is quite a nice person.

" Sige Lean and couz. I'll just go ahead. I need to entertain other visitors. So enjoy the night guys"

" Sure couz" pagkatapos mag paalam nito ay tumalikod na ito sa amin kaya kami naman ay dumiretso lang ng lakad ni Augustus at nghanap ng aming mauupuan.

Bumati naman si Augustus sa mga kamag-anak n'yang naririto. I really wonder kung papano napalaki si Augustus ng mga magulang n'ya ng ganito. Meron silang tindahan sa palengke wherein fact may malalaki naman silang negosyo katulad ng isang sikat na clothing company sa pilipinas. His parents really raised him well. Ang buhay ng mga pinsan n'ya ay malayo sa buhay n'ya kahit mayaman s'ya ay sanay rin s'ya sa buhay mahirap at pagiging kontento.

Nagsimula na ang party at heto ako tahimik lang na nakamasid sa dagat ng mga tao.

"You okay?" tanong nitong kasama ko sa akin.

BULLY'S PREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon