PAGKATAPOS ng ikalawa kong klase ay andito ako ngayon sa field at pinapanuod ang mga estudyanteng nag e-ensayo at para narin aliwin ang sarili. Marami ding tao dito dahil araw ng biyernes at sa araw na ito ay marami ang walang klase kaya iginugugol nalang ito sa pag e-ensayo.
Samantalang hindi ko napansin na nakatitig ma pala ako sa isang bulto ng tao habang naglalaro sa matirik na init ng araw, pansin kong basang-basa na ito ng pawis at sobrang gwapo parin nito kahit nasa malayo. Naririnig ko rin ang mumunting hiyaw ng mga estudyante sa pangalan nito tuwing nakaka goal.
C-clock!
Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko, ilang linggo na rin pala ang lumipas at ngayon ko lang ulit s'ya nakita.
Bigla namang tumambol ng malakas ang puso ko ng mapagtantong nakatingin na ito sa gawi ko at bahagya pang kumaway, mas lalo namang hindi magkamayaw ang mga nandidito. Nagkibit balikat nalang ako at hindi nalang pinansin ang pagkaway n'ya baka hindi para sa akin iyon at mapahiya lang ako.
Umalis na rin ako sa lugar na iyon ng biglang kumalam ang sikmura ko at naglakad patungong cafeteria para makabili ng makakain. Hindi paman ako tuluyang nakaabot do'n ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa, agad ko namang kinuha iyon at tiningnan kong sino ang nag text.
Buwan◖⚆ᴥ⚆◗
Hey wasaap? I'm already here in Manila. Kakarating ko lang, kamusta araw mo?
Agad naman akong nag reply dito, Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng umalis si August dito para lumuwas ng Manila, doon nalang daw muna s'ya mag s-stay sa bahay nila do'n hanggang sa araw ng kanyang flight.
Buwan◖⚆ᴥ⚆◗
I miss you already, please take good care. Luv u Gurl. I'll text you later okay bye mwa!Mag rereply na sana ako dito ng may biglang humablot sa cellphone na s'yang ikinagulat ko. Agad ko namang tiningnan kong sino iyon at walang iba kundi si P-paris nanaman.
Hindi ko mabilang kong ilang ulit akong napapalunok ng makitang nakakunot itong nakatingin sa screen ng cellphone ko, at hindi ako tanga para hindi alam na binasa n'ya ang convo namin ni August.
Napansin ko rin ang pagkuyom ng mga kamao n'ya at pag-igting ng kanyang panga, kaya mas lalong nangilabot pati ang aking kaluluwa dahil sa nakikita ko.
"A-ah-" hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko dahil nagsimula na namang manginig ang aking mga kamay.
Aabutin ko na sana ang aking cellphone ng umatras lang ito at masama akong tiningnan.
Jusko ano nanaman kayang nagawa ko.
"A-akin na a-ang cellphone k-ko"
"Who's this?" Malamig nitong tanong sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa naging tanong nito.
"I'm asking you woman, don't lose my patience!"
"K-kaibigan ko" pinilit kong huwag mautal pero sadyang nasa akin na talaga ito dahil sa tuwing kausap ko s'ya parang palaging may banta ang buhay ko na kapag namali ako ng sagot ay katapusan ko na sa mundo.
"Really?" Nakangisi nitong saad. Tumataas baba rin ang adams apple nimo, halatang nagalit sa sagot ko.
Hindi ko alam kung bakit pinapakialam nito ang personal kong buhay, gayong hindi ko naman pinapakialam ang sa kanya.
"A-aray!" daing ko ng bigla nanaman akong haklitin sa aking braso. Sobrang higpit ng pagkakahawak n'ya para tuloy mababali ang mga buto ko dahil do'n.
"You filthy b-tch, kahit sino nalang talaga nilalandi mo" nag-iiling naman ako sa sinabi n'ya dahil wala naman akong ginagawang masama.
BINABASA MO ANG
BULLY'S PREY
Romance"I really hate your face and everything about you, You ruined everything, you ruined my life" -PARIS