Lumipas ang mga araw at walang nagbago sa routine ko, at nakahinga naman ako ng maluwag dahil bihira nalang ako masigawan ni Paris dahil busy rin ito sa pag o-organize sa darating na event. Ito na ata ang pinakamahabang panahon na magkaroon ako ng kaginhawaan sa buhay ko.
Kahit magkasama kami sa isang bubong ay nakahanap naman ako ng kaginhawaan kahit papano dahil hindi kami nagkikibuan dahil sa sandamakmak na ginagawa nito minsan rin ay late na ako kung makauwi dahil overtime sa practice pero and'yan naman si Clay para ihatid ako sa condo ni Paris yun nga lang ay expected na sa labas ako nakakatulog dahil lock na ang kan'yang condo pagkauwi ko. Clay became my companion and I must say na comfortable na'ko sa kan'ya kahit papano.
But I don't want to get along with him even deeper dahil alam kong lahat ng meron ako ay mawawala rin pag nalaman ni Paris, hindi na kaya ng konsensya ko kung may iba pa ulit na madamay dahil sa akin.
"you okay?" Bungad na tanong sa akin ni Clay. Kanina pa kasi ako wala sa sarili dahil sa kaba.
Ilang oras nalang ay magsisimula na ang event. Tonight is the final night.
"K-kinakabahan lang" mahina kung saad.
He held my hand and squeeze it para siguro pakalmahin ako.
"Don't worry, everything will be okay. We can do this" nakangiti n'yang saad, mahina naman akong napatango dito and mouthed him thankyou.
Andito kami ngayon sa room namin habang hinihintay ang mag-aayos sa'min, exactly 7:00 o'clock ay magsisimula na ang event kaya maaga palang ay andito na kami sa university for the preparation.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang make up artist namin ni Clay kaya sinimulan na kaming ayusang dalawa.
"Wow, you look so gorgeous. Bagay na bagay sa'yo ang make up mo" saad ng isang bakla na nag-ayos sa akin.
Halos isang oras din bago natapos ang pag-aayos sa'kin.
"Thankyou po"
"Look at yourself in the mirror, you look like a living barbie" puna pa nito.
I just gave him a genuine smile and slowly look myself in front para makita kung ano ang itsura ko.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa hindi ko inaasahan na outcome sa ayos ko. I'm so pretty!
Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ko para siguraduhin na hindi ako nananaginip. Totoo nga s'ya.
Parang ibang tao ako ngayon habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Malayong-malayo ito sa Amellean na mahina. What I saw right now is ang Amellean na palaban.
"Hi gorgeous" napabaling lang ang tingin ko sa lalaking nakangiti na naglalakad papalapit sa akin. Mukhang tapos na rin s'yang ayusan.
He's smiling while walking into my direction at ang masasabi ko lang ay ang gwapo ni Clay, bumagay sa kanya ang kan'yang ayos at mas lalong nagpadagdag appeal sa kan'ya ay ang kan'yang pekeng hikaw.
"H-hi" nakangiti kong bati dito.
"Parang ibang tao ata ang kaharap ko ngayon" natatawa n'yang saad. Mahina naman akong napakamot sa aking batok.
"Trust yourself, kaya mo silang labanan" bulong pa n'ya and sat on the available chair beside me.
Nagtilian naman yung mga bakla na kasama namin na kesyo bagay daw kaming dalawa. Natatawa nalang kami ni Clay dahil sa samo't saring komento nila.
Habang hinihintay na dumating ang saktong oras ay nagpractice muna kami ni Clay at nagbabatuhan ng mga possibleng maging tanong sa amin. Hindi rin namin alam kung sino ang magiging judges tonight.
"Paging all the candidates to please proceed at the back stage for any minutes we are about to start. Thankyou!" Rinig naming saad ng isang babae sa speaker na nasa loob ng aming classroom.
Bumundol nanaman ang kakaibang kaba sa aking dibdib dahil sa narinig.
"Hoh! you can do this Amellean, kahit ngayong gabi lang. Do your best" mahina kong bulong sa sarili habang nakatingin sa salamin na nasa harap ko.
"Let's go beautiful" saad ni Clay habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.
Agad ko namang hinawakan ang kamay nito and he guided me hanggang sa makarating kami sa back stage. Nakasunod lang rin sa amin ang nag-aayos sa amin.
I roamed my eyes and ang gaganda at ga-gwapo rin ng mga kandidata at kandidato ng ibang department at masasabi ko na ang mga ito ay may mga karanasan na sa mga gan'to dahil wala akong nakikita na kaba sa mga mukha nila.
"Stop staring at them, I know you can do better tonight. Manalo man o matalo, I'm still proud of you" nakangiting saad n'ya.
Tumango lang ako dito at iwinaglit muna sandali ang aking mga iniisp.
Amellean focus, kaya mo 'to.
"Good evening ladies and gentlemen" Rinig na namin ang sigawan ng mga tao sa labas ng magsimula ng magsalita ang speaker.
Nag open remarks muna bago pinakilala ang mga judges at imbis na kumalma na ako kanina ay bumalik ulit ang kaba na namumutawi sa akin ng marinig ang pangalan ni Paris doon.
Isa s'ya sa magiging judge.
Gusto ko nalang tuloy mag back out.
"And I know this is what you are waiting, the exciting part. Let us all welcome our pretty and handsome candidates for tonight's event" nagsipalakpakan at nagsisigawan naman ang mga tao.
Nagsimula na ang tugtog kaya isa isa na ring lumabas ang mga kandidata, bali kami ni Clay ang ikalima.
Lahat ng estudyante ay nag c-cheer sa kanilang mga pambato.
Agad kong tiningnan ang aking sarili, I am not really comfortable dahil sa suot kong kulay pink na two piece kahit may nakatabun naman dito.
Hanggang sa turn na namin ni Clay, i took a deep breath.
Nang lumabas kami ni Clay ay mas lalong umingay ang mga tao, I felt myself shaking. Naramdaman ata yun ni Clay kaya hinapit n'ya ko papalapit sa kan'ya na s'yang dahilan para hindi na magkamayaw sa kilig ang mga tao. Marami di ang nagbubulungan.
"Relax and e-enjoy mo lang" bulong n'ya habang nakangiti at may pakindat pang nalalaman, nagmukha tuloy s'yang playboy.
Kaya naman, Mas pinag-igihan ko pa ang paglalakad na para bang ako ang may ari ng buong stage. Bahala na.
Nang makalapit kami sa mic ay tumahimik na ang mga tao.
"Good evening ladies and gentlemen, My name is Amellean Glynn Montelban, 21!" After I introduce myself ay marami ang nagulat sino ba namang hindi kung ang suki ng pambubully ay kasali pala sa ganitong event pero hindi parin mawawala ang sigawan lalo na sa ang mga kalalakihan.
"Ang hot mo pala Amellean!"
"Sh*t ang ganda n'ya!"
"May itinatagong kagandahan pala itong si Amellean"
"May boyfriend kana ba Ms?"
Iba't-ibang sigawan ang naririnig ko. I showed them may purest smile na s'yang mas lalong nagpalakas ng hiyawan. Habang nagpapakilala si Clay ay iginala ko ang aking paningin.
I saw Paris friends na mukhang na shock din sa kanilang nakikita, pero isa lang ang mas nakakuha ng atensyon ko ang lalaking naka upo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko na madilim ang mukha habang mariing nakatitig sa akin. Napansin ko rin ang mahigpit na paghawak nito sa hawak n'yang ballpen ng hinapit ako ni Clay papalapit sa kan'ya.
I just ignored it maybe, I was just hallucinating. Ba't naman s'ya magagalit diba?
A/N: I'm really sorry for the long wait, sobrang busy na talaga sa school works ngayon lang nagkaroon ng time to update huhu, Enjoy reading babies!
BINABASA MO ANG
BULLY'S PREY
Romance"I really hate your face and everything about you, You ruined everything, you ruined my life" -PARIS