CHAPTER 2

421 7 0
                                    

"A-anong ginagawa mo rito?"

Tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok na para bang kanila itong bahay. Nilibot nito ang paningin sa paligid n'ya at bahagya pang napangisi. Hindi ko alam kung anong iniisip n'ya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Pag-uulit ko ng hindi nito pinansin ang una kong tanong.

"Why aren't you in school?"

"Gusto mo nanamang tumakas ha!?"  May diin sa bawat salita n'ya kaya't dali-dali akong umiling dahil wala naman talaga akong balak tumakas ulit.

May sakit ako.

Gusto ko sanang sabihin 'yan sa kanya ngunit mas lalo akong pinangunahan ng takot ng bigla ako nitong hablutin at malakas hinawakan ang magkabilaan kong braso.

Panigurado akong panibagong pasa nanaman ito bukas. Hindi pa nga gumagaling ang iba may bago nanaman.

Nanatili akong nakayuko dahil ramdam kong umiikot ang paligid ko. Para tuloy mabibiyak ang ulo ko sa sakit no'n.

"I'm asking you woman?!" napaigik ako sa sigaw nito at sunod-sunod na umiling.

"M-masama k-kasi ang pakiramdam ko" paliwanag ko. Ngunit imbes na bitawan ako ay kinaladkad ako nito palabas.

"S-saan mo ako dadalhin?" Mas lalong bumundol ang kaba sa aking sistema ng blangko ang mukha nitong nakatingin sa akin. Pero makikita naman sa mga mata n'ya ang puot at galit doon.

"Pumasok ka!"

Nagmamakawa akong umiling dahil hindi ko kayang pumasok sa lagay kong ito ngayon.

"P-pwede bang b-bukas nalang. P-promise b-bukas papasok na ako. M-masama kasi ang pakiramdam ko"

"I don't care!"

" N-nagmamakaawa ako P-paris" kulang nalang lumuhod ako sa harap n'ya para lang ma kumbinsi ito.

" Papasok ka or hindi ka na kailan man makakapasok sa paaralang 'yon?" Agad akong umiling dahil sa sinabi n'ya. At bago ako nito binitawan, isang butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata.

H-hindi maaari!

"Change yourself or else" pagbabanta nito.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok ulit sa aking silid at nilinis ang sarili at dali-daling nagpalit ng uniporme. Hindi ko na rin pinansin pa ang masamang pakiramdam dahil kailangan kong tatagan ang sarili ko lalo na't impossibleng walang naghihintay sa akin sa paaralang iyon.

Paglabas ko ng aking apartment ay nadatnan ko s'yang nakaupo sa hood ng kan'yang sasakyan habang walang anomang ekspresyon ang mukha. Nakayuko lang ako hanggang sa malampasan ko ito. Sumakay na rin ito sa kanyang sasakyan at umalis.

Pagkalabas ko sa kanto ay agad akong nagpara nang may mapadaang tricycle at sinabi ang address nang pinapasukan ko.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay pansin kong panay tingin ni Manong driver sa akin ngunit isiniwalang bahala ko nalang iyon at umidlip sandali pero di nagtagal ay narinig kong nagtanong ito.

"Ayos ka lang ba neng?" pag-uulit nito ng hindi agad ako nakasagot sa unang tanong n'ya.

"A-ayos lang po, b-bakit po?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.

"Namumutla ka kasi, mukhang masama ata ang pakiramdam mo"

Ngumiti ako dito at umiling.

" Naku, ayos lang po ako Manong" tila nabawasan ang aking nararamdaman dahil sa sinabi ni Manong. Ansarap pala sa pakiramdam nang may nag-aaalala.

Buti pa 'yong ibang tao ay nag-aaalala at may pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko.

"Saka nga pala neng, mag kaaway ba kayo ng boyfriend mo?" napakunot ang noo ko sa tanong nito.

BULLY'S PREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon