SININDIHAN ko ang sigarilyong nasa bibig ko habang nakatingin sa tahimik na daan. Tulog na si Papa nang makauwi ako kanina. Hindi biro ang gumising nang maaga para kumayod lalo na't tumatanda na siya. Kaya nga may sideline ako minsan, e. Gusto ko pa rin tumulong kahit ayaw niya.
Sumandal ako sa pader bago sinumulang hithitin ang sigarilyo. Inaya ako kanina ni Mokmok sa jamming nila pero tumanggi ako dahil wala ako sa mood makipag-inuman ngayon. Nasa bahay sila ngayon ni Barok at nagsasaya. Napalingon ako sa kapitbahay naming si Aling Cora. Gabi na pero namumutaktak pa rin ang bunganga sa sermon.
"Ano ba naman 'to, Pedring?! Hindi ka nanaman nagsaing bago tumambay sa comshop!" Sermon niya sa batugang anak.
"Ma naman, mahiya ka nga kay Elvira. Nakatingin, oh." Napakamot siya sa batok bago ako tinuro.
Napairap nalang ako. Ayan, dinamay pa ako ng lintek. Tinapon ko sa basurahan ang walang buhay kong sigarilyo bago umismid nang makita kong iritableng nakatingin sa akin si Aling Cora.
"Nanigarilyo ka nanaman, Elvira! Kay bata mo pa may bisyo ka na! Nagmana ka talaga sa tatay mo!"
Dinamay pa ang Papa ko. Humalukipkip ako bago plinastada ang plastik kong ngiti. "Aling Cora, move-on din 'pag may time, 'no? Natutulog nang mahimbing ang Papa ko tapos idadamay mo. Iyang anak niyong batugan ang sermunan mo at hindi ako. Aba, nakita ko kaya 'yang si Pedring na nakipagpustahan nanaman sa labas ng skwelahan namin!"
Ang iritable niyang mukha ay napatingin sa anak niyang namumutla na. Hah! Dinamay pa kasi ako. Sa tuwing nakikita ako ni Pedring tapos sinesermunan siya ay binabanggit pa 'ko.
"Totoo ba, Pedring?! Lintek na bata ka! Bukas na bukas ihahatid kita sa Montecarlos at nang magtanda ka!" Piningot niya ang tenga ng anak bago kinaladkad papasok ng bahay nila.
Pigil ang tawa ko nang pumasok sa loob. Bago dumiretso sa kwarto ko ay niligpit ko muna ang mga kalat na nasa sahig. Ini-lock ko na ang pinto at pinatay ang ilaw sa kusina at sala bago pumasok sa aking kwarto.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone kong nasa maliit na mesang katabi ng aking kama.
"Hello," tamad kong bungad kay Rozz Delgado Montecarlos—ang anak ng may-ari ng Montecarlos High School.
Siya ang una kong naging kaibigan sa skwelahan no'ng Grade 7 kami. Palagi kaming magkaklase pero ngayong taon lang ang hindi. Hindi ko na rin siya mahagilap minsan kasi busy siya mambabae. Atsaka, siya ang una kong jowa noon. Hindi nakakailang kasi magkaibigan naman kami. Alam namin pareho na nadala lang kami sa tukso ng mga kaklase namin dati.
[Kailangan ka namin, my labs! Huhu, tutugtog kami sa Freedom Park bukas ng gabi.]
"Wala nanaman ang drummer niyo?! Saan ba kasing lupalop ng Dumaguete 'yan pumupunta at minsang wala kapag tutugtog kayo!"
Ito ang sideline ko. Tatlong-daan ang bayad ni Rozz sa akin kapag ako ang drummer nila minsan. Kaklase niya lang din ang mga kabanda niya. Ngunit itong drummer nila ang minsan lang sumulpot kapag tutugtog sila.
[Ah, basta! 'Di namin alam. Ano, payag ka?! Syempre, payag ka!] Tuwang-tuwa niyang sigaw sa kabilang linya. Mukhang nasa inuman ang lintek.
Kinamot ko ang gilid ng aking noo. "Oo na, oo na! Anong kanta ba?"
[Kisapmata by Rivermaya. Kaya mo 'yon dahil kabisado mo ang drum chords at ilang beses na natin tinugtog 'yon sa studio namin!]
"K, bye." Tamad kong sagot bago humikab. "Inaantok na 'ko. Utang na loob, ibaba mo na."
[Hala, sorry! Sige, tulog na! Good night, my labs!]

BINABASA MO ANG
LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)
RomanceElvira Mae Fable grew up having a strong personality. She was always outspoken. She grew up having thorns instead of wings, masked up herself as brave, and disguised her pain into nothing. Not until, she met her greatest opposite that will tame eve...