KABANATA 3

42 20 4
                                    

"Anong nangyari sa mukha mo?!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Papa nang makita ang itsura ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Wala 'to, Pa."

"Anong wala?! Umamin ka nga, nakipag-away nanaman ba kayo ni Jeron, ha?!"

Binalik ko sa ref ang pitsel pagkatapos maglagay ng tubig sa baso. "Pa naman, alam mo naman kung bakit e."

Alam ni Papa ang tungkol kay Oliver at Vida. Pinipilit niyang intindihin ang nangyayari pero minsan kapag nakikita niyang ganito ang itsura ko ay otomatikong nagagalit siya.

Napailing-iling nalang siya habang kinukuha ang cotton at alcohol mula sa first aid kit. "Halika nga ritong bata ka!"

Uminom muna ako ng tubig bago nguto-ngutong lumapit sa kanya. Umupo kami sa couch namin na halos wala ng balat. Lintek, ang sarap kasi balatan e. Lalo na kapag badtrip ako.

"Pa, ayaw ko ng alcohol. Masakit." reklamo ko.

"Heh! Sana inisip mo iyan bago ka nakipag-away!"

Nakasimangot ako habang dinadampian niya ng cotton na may alcohol ang aking pisngi. Minsan, bine-baby pa rin niya ako kahit disi-otso na ang edad ko. Hindi naman ako nagrereklamo. Malaki nga ang pasasalamat ko at siya ang tatay ko kahit wala na akong nanay. Deads na kasi e. Namatay siya pagkatapos akong ipanganak.

Noong ipinanganak ako, iniwan ako ni Papa sa kapatid niyang nasa Kaybiga, Caloocan. Doon ako lumaki ng ilang taon. At noong panahon na 'yon, wala akong kamalay-malay na nakulong pala siya. Nalaman ko lang noong nine years old ako dahil kinuha niya ako kay Tita Beth—ang kapatid ni Papa.

May mga tanong ako ngunit hindi ko magawang isaboses. Oo, masakit pero wala na 'yon.

"Bukod sa nakikipag-away kayo ni Jeron, hindi ka ba pinag-iinitan ng mga kaklase mo dahil sa akin?" Seryosong tanong niya.

Nang matapos ay binalik niya sa loob ng first aid kit ang alcohol at lalagyan ng cotton. Tinapon niya muna ang ginamit na cotton sa pisngi ko bago muling tumabi sa akin.

"Pa, sinabi ko na sa 'yo. Malakas nga ako." Sagot ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Bagamat wala siyang sinabi ay alam kong may tumatakbo sa isipan niya. Sa huli, ako ang bumasag sa katahimikang bumalot dito sa sala namin.

"Pa, kain na tayo."






Alas nuwebe na at ilang minuto ko nang hinihintay si Rozz dito sa labas ng gate namin. Itim na crop top ang suot ko, itim na ripped jeans at itim na boots ang suot ko pang-ibaba. Nakatali papusod ang buhok ko at may suot akong choker sa leeg. Itim na puso ang pendant.

"Witwiw!"

Tinapon ko kay Totoy ang naupos kong sigarilyo at sinamaan siya ng tingin. "Badtrip ako, lumayo ka sa akin!"

Kumibot ang labi niya. "Hulaan ko, may hinihintay ka tapos ang tagal dumating!"

Peke akong ngumiti bago siya inirapan. "Oo, tama 'yang hula mo."

"Anong nangyari sa pisngi at labi mo?" Usisa niya.

"Napa-trouble lang."

Mabuti nalang at hindi na niya binalak magtanong ulit. Naramdaman niya sigurong ayaw kong pag-usapan. Ayaw ko talaga dahil alam kong kapag kinwento ko sa kanya eh aabot kina Mokmok at Barok. At paniguradong hindi maganda ang mangyayari kapag gano'n.

But anyway, naiinis talaga ako kay Rozz. Ang kupad kumilos! Tinalo pa ang trenta minutos kong pagligo sa tuwing may pasok! "Baka i-nonse ako ng lintek..." bulong ko.

LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon