KABANATA 6

9 5 2
                                    

KINABUKASAN, maaga akong nagising. Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit ko pa rin na bumangon at maligo. Gising pa si Papa kagabi nang pumasok ako rito sa bahay. Tinimplahan niya ako ng kape bago siya natulog.

Itim na sleeveless top ang sinuot ko na may disenyong rosas sa gitna at maong na highwaisted short naman ang pang-ibaba. Nagpulbo lang ako. Napansin kong okay na ang pisngi ko mula sa away na naganap noong mga nakaraang araw. Lintek na Oliver 'yon, buti nalang at suspended siya at ang mga alagad niyang jongget!

Sinuklay ko ang aking basang buhok bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si Papa na abala sa ginagawa niya. May mga materyales at ingredients pang nagkalat sa lamesa.

"Good morning, 'nak. May ihahatid akong mga buko pie sa isang restaurant sa downtown ngayon. Gusto mo bang sumama?" Tinali niya ang sampung nakapatong na boxes ng buko pie bago tumingin sa akin.

Napatingin ako sa isang buko pie na sinadya niya yatang iiwan dito. "Pwedeng 'di ako sumama, Pa?"

"Oo naman. Okay lang sa akin. Mabuti nga na dito ka lang at para na rin maihatid mo 'tong isang buko pie sa Umbac. Doon sa pangatlong malaking bahay, natatandaan mo?"

Paano ko naman hindi matatandaan eh doon nakatira ang poging nilalang na 'yon? Ah, basta! Lintek siya, nagkandahirap ako sa pagtulog dahil sa sinabi ni Pedring.

Tinignan ko kung anong nasa note ng buko pie. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita. "Pa, bakit Rita ang nakalagay? Hindi mo ba alam na mga Sylviaje ang nakatira roon?"

Bago ko pa mabawi ang sinabi ay nanlaki na ang mga mata niya, ngunit may bahid ng kakaibang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "H-hindi ko alam, anak..." mahinang sagot niya. Nang maalala niyang aalis na siya ay niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. "Oh, siya. Ako'y alis na. Isara mo ang gate kapag aalis ka na, ha. Uuwi ako kaagad."

Tumango ako at ngumiti. Sumunod ako sa kanya palabas dahil bubuksan ko ang gate para makadaan ang motor niya. "Ingat po, Pa."

Sinara ko ang gate nang tuluyang makalabas ang motor niya. Bumalik ako sa loob na aligaga. Pumasok ako sa aking kwarto at nagpulbo ulit. Naglagay din ako ng True Brown lip stain. Nag-perfume rin ako at tinali ang buhok ko papusod.

Pupuntahan ko siya ngayon!

Lumabas ako ng kwarto na nakangiti. Kinuha ko ang isang box ng buko pie bago lumabas ng bahay at sinara ang pinto. Sinuot ko ang brown Chanel strapped slippers bago naglakad patungong gate para buksan ito. Tawanan ni Mokmok, Barok at Totoy ang nadinig ko pagkabukas ng gate. Nasa karinderya sila at tumatambay.

Sinuot ko ang kamay ko sa gate para i-lock mula sa loob. May susi naman si Papa kaya mabubuksan niya ito kapag nakauwi na siya. Naglakad ako papunta sa karinderyang katabi lang ng bahay namin. "Hi, mga madlang pepol!" Masiglang bati ko sa kanilang tatlo. Walang mga customers dito kaya ang kakapal ng mga mukha nilang tumambay. Napairap naman ang tinderang si Irah dahil sa lakas ng boses ko.

"Ay, wow! May buko pie si babaita para sa 'tin!" Natutuwang sabi ni Barok. Sinenyasan niya akong umupo sa bakanteng upuan na nasa gitna nila.

"Gaga, ihahatid ko 'to sa Umbac." Sagot ko nang makaupo.

Napakamot naman sa batok si Mokmok, mukhang alam na niya ang susunod kong sasabihin kaya matamis ko siyang nginitian. "Hmm, baka naman..."

"Ayan na, Mok." siniko ni Totoy ang katabi niyang si Mokmok.

"Sorry, Birang. Hawak ni mama ang susi ng motor ko e."

Napakamot ako sa gilid ng aking noo. "Paano na ako ngayon?! Lalakarin ko ang Umbac?! Anak ng bisugo naman, oo!"

LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon