KABANATA 8

9 6 14
                                    

LUNES na nanaman at heto na ang mga kaklase kong nagkekwentuhan na para bang isang linggong hindi nagkita. Ang dami nilang baon na chika. Wala pa si Vida at Jeron kaya mag-isa ako ritong nakaupo sa likuran. Nababagot na ako pero ayaw kong mag-Facebook.

Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari kahapon. Talagang sinadya niyang mag-order? Para ano? Pagtripan lang ako? Pasalamat siya at pinigilan ako ni Manang Rita dahil kung hindi, hah! Baka pinaliguan ko na siya ng mura.

Ito namang si Rozz ay hindi ko maintindihan. Simula nang magising siya sa pagkakatulog sa couch naming halos wala ng balat ay nag-iba siya. I mean, mas lalo siyang dumikit sa akin at mas lalong naging maasikaso. Kaninang umaga nga ay ang aga niyang dumating sa bahay para sunduin ako dahil gusto niyang sabay kaming dalawa. Syempre, hindi ako umangal.

"Elvi!"

Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin. Pulang-pula ang labi niya, may suot na silver clips sa gilid ng buhok, on fleek ang magkabilang kilay at perpekto ang pagkakakulot ng dalawang pilikmata. Heto na siya, si Vida.

Niyakap niya muna ako bago siya naupo sa aking tabi. "Hoy, gaga! Ano 'yong nakita ko sa Facebook na nag-angry react ka sa post ni Georgia?!"

Kumunot ang noo ko. "Kilala mo siya?!"

"Of course! Sinong hindi makakakilala sa kanya?! Endorser siya ng local cosmetics at freelance model pa!"

Natahimik ako. Nakikinig lang ako sa kinekwento niya tungkol kay Georgia. Ayaw ko namang sabihin na medyo impakta ang babaeng iyon sa akin. Pero sa huli hindi ko rin napigilan ang sarili ko at nasabi ko na sa kanya.

"Ay, talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Ang plastik naman pala niya! Teka nga at icha-chat ko 'yang babaitang 'yan."

"Huwag, Vida. 'Yan ang huwag mong gagawin." Pagpigil ko sa kanya. "Okay lang ako. Wala akong pakialam kahit gawin niya akong pulutan."

Sa katunayan, hindi ko na binuksan ang Facebook ko magmula kagabi. Messenger lang ang binubuksan ko at nag-off chat ako. Hindi ako nagparamdam kay Thor kahit gusto na akong traydorin ng mga kamay ko. Wala lang, naiinis pa rin ako e. Bakit ba niya 'yon ginawa? Ang naiisip kong dahilan ay baka dahil sa sinabi ni Rozz na boypren ko siya. Pero kung iyon nga ang dahilan, bakit?

Ang gulo niya. Ginugulo niya ang buong sistema ko.

"Fable? Absent ba si Fable?"

Kinalabit ako ni Vida at Jeron. Ni hindi ko man lang namalayan na dumating na ang lintek. Tinaas ko ang kamay ko upang markahan ako ng present. "Present, ma'am." sagot ko.

Natuon ang atensyon ko kay Jeron. As usual, bukas ang tatlong butones ng polo niya. Puting sando ang panloob. Napairap ako nang makita ang pulang bandana sa noo niya. Parang albularyo ang lintek.

Nagsimula ang klase na nangalumbaba lang ako. Nagkekwentuhan si Jeron at Vida. Ang iba kong mga kaklase ay napapahikab na tila nababagot na sa nangyayaring diskusyon. Palihim kong kinuha ang phone ko sa sling bag at nagpunta sa messenger. Bigla akong napaayos nang pagkakaupo sa nakita.

Thor Neil Diaz Sylviaje: what time are you going to school?

7AM siya nag-message sa akin. At siya pa talaga ang unang nag-message. Wala na ako sa bahay sa oras na 'yan. Bakit niya kaya natanong? Napanguso tuloy ako habang pinipigilan ang sariling ngumiti.

Pero ihahatid siya ni Mang Rey tuwing umaga at sa hapon lang siya sasakay ng pedicab pauwi. Lintek talaga. 'Di ko maintindihan kung anong trip niya.

Natapos ang first subject namin nang matiwasay. Second subject na ang susunod at nagdadasal na ang mga kaklase namin na sana vacant, lalo na si Tomas na kampante pang sinasabihan ang mga kaklase namin na magkakaroon nga ng vacant ngayon.

LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon