KABANATA 11

4 2 0
                                    

"So, sinundo niyo pala ang pinsan mong babae sa Airport?"

Tumango siya. Pigil ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Kaya naman pala. Mabuti nalang at naitanong ko. Nakakatuwa lang isipin na hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ang tanong ko. Kahit papaano naman siguro ay may tiwala na siya sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. "Stop staring at me. You're walking."

"Bakit mo pa ako ihahatid? Pwede naman kasing sumakay nalang tayo sa pedicab na sinakyan mo kanina." Tuluyan na akong napangiti.

Bumaba ang nakataas niyang kilay at umiwas ng tingin. "I'm just thinking about the possibilities that might happen."

"Ha?"

Englisherong pogi.

"Hindi natin alam ang tumatakbo sa isip ng tao, Elvira. Dis oras na ng gabi ngayon." Seryosong sagot niya. "

Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya. "So, concern ka? Concern ka sa akin?"

Umismid siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tumakbo ako para habulin ang mga hakbang niya. Kumapit ako sa braso niya nang tuluyang magkasabay ang mga paa namin. Dinikit ko ang pisngi ko sa braso niya habang naglalakad. Ngunit, iniwas ko rin agad dahil alam kong amoy pulang kabayo ako ngayon.

"Dito nalang." Napakamot ako sa gilid ng noo ko. "Umuwi ka na." Baka hinahanap na siya sa kanila e.

Nilibot niya ng tingin ang tahimik naming purok bago binalik sa akin ang kanyang tingin. "I'll go if you go inside first."

Sumandal ako sa gate namin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Kung tawagan mo kaya si Mang Rey at magpasundo ka nalang?" Baka mapagtripan pa siya habang naglalakad pauwi.

Gumalaw ang dila niya at pinabukol ang pisngi, mukhang pinipigilan niyang ngumiti. "Concern ka sa akin?"

Umarko ang kilay ko. "Kapal mo." Inirapan ko siya ngunit ngumiti rin pagkatapos. "Ano? Wala ka bang balak magpasundo?"

Hindi siya sumagot bagkus kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng suot na short. May pinindot-pindot muna siya bago nilagay sa tenga ang phone niya. "Mang Rey, magpapasundo po ako. Ah, opo. Okay naman po ako."

Napalunok ako. Nag-aalala na pala ang mga tao sa kanila tapos heto siya at hinatid pa talaga ako.

"Dito po sa Balimbing Dos. Ah, opo. Dito po kina Elvira."

Nang matapos ang pag-uusap nila ni Mang Rey ay tumikhim ako. "Gusto mo bang pumasok muna sa bahay namin?" alok ko.

Umiling siya. "No. Dito lang ako. Papunta na rin si Mang Rey."

Namayani ang katahimikan. Bahagya akong yumuko at nilaro-laro ng kanang paa ko ang batong nasa lupa. Sa sobrang tahimik ay hindi ko alam kung may balak pa ba siyang magsalita. Ramdam kong nakatingin siya ngayon sa akin. At nang makita kong may papadating na tsekot ay saka lang ako naglakas loob na magsalita.

"Sabi mo 'di natin alam ang tumatakbo sa isip ng tao." Sabi ko at inangat ang tingin. Natigil ang paa ko sa paglaro ng bato.

"Yeah."

Napangiti ako. "Ayaw mo bang malaman kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon?"

Salamat, Thor.

Napaiwas siya ng tingin. Umalon ang Adam's apple niya dahilan para mahina akong matawa. Mukhang iba ang iniisip niya pero sige, bahala siya. Ang cute niyang tignan. Humakbang ako palapit sa kanya. "Ano? Ayaw mong malaman?"

Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. "No, I don't want to."

"Sige, bahala ka. Baka 'di ka makatulog niyan, ah."

LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon