"Why are you here?"
Bakit nga ba ako narito sa bahay nila? Pwede ko namang palampasin nalang ang nadinig ko kay Aling Nova.
Pero mabuti na rin na pumunta ako. Sayang ang look ko ngayon, nagpaganda ako nang makauwi sa bahay kasi balak ko talagang puntahan siya. Isang oras din ang tinagal ko sa salamin 'no.
In fairnes, ang gwapo niya pa ring tignan kahit oversized white printed shirt ang suot niya at itim na bermuda short. Bagamat magulo ang buhok niya ay hindi iyon nakabawas. Ang gwapo niya talaga. Ang unfair. Ang sarap sapakin.
Bumuntong hininga ako. "Totoo bang hinintay mo 'ko kaninang umaga?"
Sumandal siya sa gate nila at humalukipkip. "It's true."
Napakamot ako sa gilid ng aking noo. Ayan, 'yang tingin niyang ganyan. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niyang ngayo'y malamig na nakatingin sa akin. Lintek, mukhang naging dwakang ako ngayon.
"Maaga akong sinundo ni Rozz. Wala na ako sa bahay namin nung pumunta ka." Hindi ko alam kung ba't pa ako nagpaliwanag.
"So?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka nagpaliwanag?"
"Kasi..." Bumaba ang tingin ko sa lupa. "Syempre, naghintay ka."
"It was my choice to wait." Napaangat ang tingin ko. Umayos siya sa pagkakatayo. Ang malamig niyang tingin ay nabahiran ng tuwa bago ako tinalikuran. "Come inside. You should eat." Nakapamulsa siyang naglakad papasok ng bahay nila.
Pigil ang ngiti ko nang makapasok. Tinaas ko ang suot kong black tank top dahil nakikita ang cleavage ko. Maging ang maong dolphin short kong suot ay bahagya kong hinatak pababa. Parang bigla akong na-conscious sa 'di malamang dahilan.
"Aba'y naparine ka, Elvira!" Natutuwang sabi ni Manang Rita nang makapasok ako sa bahay. "Saktong-sakto dahil nandito si Ma'am Faye!"
Para akong nabuhusan nang malamig na tubig. Napalunok ako habang unti-unting pinoproseso ang nadinig.
Nandito ang mommy niya?!
Mula sa kusina ay lumabas ang babaeng maganda, matangkad, kutis porselana at elegante bagamat may suot na pulang apron ay bumagay pa rin ito sa suot niyang pink floral maxi dress. Pinasadahan niya ako ng tingin na siyang kinailang ko. Gayunpaman, walang bahid ng panghuhusga ang mga mata niya lalo na nang makita ang mga tattoo ko.
"Oh, care to introduce that pretty lady to me, Neil?" nakangiting tanong niya sa anak.
Bumungisngis naman si Manang Rita na nasa aking tabi. Ngumiti ako sa mommy niya. Mukhang walang balak ang anak niyang ipakilala ako. Prenteng nakaupo lang sa malawak nilang sectional sofa at nanonood ng palabas sa Samsung 100inch flat screen TV.
"Hi, po!" Masigla kong bati. "Ako po si Elvira! Anak po ako ng nagtitinda ng buko pie sa Balimbing Dos!"
Tumango-tango siya habang tinatanggal ang pagkakatali ng apron sa katawan niya. "Oh, it's nice to see you! Masarap magluto ang Papa mo ng buko pie. Elias and I are looking forward to meet him, lalo na't mukhang nagkakasundo na kayo ni Neil. Right, baby boy?"
Umalis si Manang Rita sa tabi ko at kinuha ang apron. Naglakad siya papuntang kusina na dala-dala iyon. Itinikom ko ang bibig. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Tinignan ko ang magiging reaksyon niya. Pulang-pula ang magkabilang tenga at hindi magawang tumingin sa mga mata ng mommy niya.
"Mom, stop it..." May halong diin niyang pagkakasabi. Tumayo siya, ang mga mata niya'y naging mailap lalo na nang saglit magtagpo ang tingin naming dalawa. "I'll go to my room."
Umarko ang kilay ko. "Ano?! Eh, ang sabi mo dapat akong kumain!" Tila nawala ang poise ko dahil sa paangil kong pagsigaw sa kanya. Mariin akong napapikit nang napagtanto ang ginawa. Dahan-dahan akong tumingin sa mommy niya. "Sorry po..."
BINABASA MO ANG
LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)
RomanceElvira Mae Fable grew up having a strong personality. She was always outspoken. She grew up having thorns instead of wings, masked up herself as brave, and disguised her pain into nothing. Not until, she met her greatest opposite that will tame eve...