KABANATA 5

8 7 3
                                    

"Ano?! Sigurado ka ba sa gusto mo, Elvi?!"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa malakas niyang sigaw. Napatingin tuloy ang ibang mga narito sa gym. "Vida, sigurado nga ako."

Sigurado ako sa gusto kong mangyari. Hindi ako aatras. Sabi nga ni Ruffa Mae Quinto, 'Go, go, go!'

Gusot pa rin ang mukha niya. Ayaw niya talaga sa gusto kong mangyari tapos kung tingnan niya ako ay para akong kriminal. "Sinasabi ko sa 'yo, Elvi. Baka ikaw ang matalo sa huli dahil sa kagustuhan mong gustuhin ka ni Thor."

Napaiwas ako ng tingin. 'Di sinasadyang dumapo ang tingin ko kay Jeron na nakikipaglaro ng basketball sa mga kaklase namin. May meeting kasi ang teacher namin sa third subject.

"'Wag ka nga mag-isip ng nega, Vida."

Alam kong hindi ako type ni Thor ngunit hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para pasukin ang ganitong laro. Siguro gusto kong malaman kung hanggang saan ang thrill na 'to. Parang may gusto akong patunayan na kung ano.

"Bahala ka nga!"

Hindi nalang ako nagsalita. Kinuha ko ang phone mula sa bag at binuksan ang Facebook. Simula nang mag-reply siya kagabi ay hindi ko na tinangkang mag-reply din sa kanya. Wala lang, pakipot muna ang lola.

Sunod-sunod ang pagtunog ng messenger ni Vida. Naiinis na ako dahil ang sakit na sa tenga. Nawalan akong gana mag-Facebook kaya binalik ko nalang sa loob ng bag. Magkasalubong ang kilay kong tinignan siya. "Ano ba 'yan?! Ang ingay!"

Tinawanan niya lang ako habang ang mga mata ay nakapokus pa rin sa phone niya. "Si Ryu ang ka-chat ko. Inuman daw tayo mamayang uwian sa videokehan nila. Sabado naman bukas kaya golets na tayo. Atsaka, nagpaalam na ako kay Tiyang Lolet. Okay naman sa kanya dahil sinabi kong kasama kita at si Jeron."

Nawala ang inis na bumalot sa mukha ko at napalitan ng tuwa. "Ayos, ah!"

Matagal-tagal na rin magmula no'ng huling inuman namin. Lasing na lasing si Jeron noong araw na 'yon. Nagwala pa nga sa videokehan at nanuntok. Hindi naman siya palaging ganun kapag may inuman. Nag-maoy lang dahil mukhang may pinagdaanan ang lintek.

"Go, Je!" Sabay naming cheer kay Jeron. Nang maka-shoot siya ulit ay nag-dab siya.

Kinikilig naman ang mga baby girls na Grade 7. May iba na kinukuhanan ng picture si Jeron, lalo na kapag bigla siyang ngumingiti. Inis na inis naman si Tomas. Kasali kasi siya at magkalaban silang dalawa.

"Sobrang bugnutin talaga niyang si Tomas." Sabi ni Vida. "Dinaig pa ang may dalaw."

"Oo nga, pero hayaan mo na ang lalaking 'yan. 'Wag lang talaga niyang patirin ang pasensya ko dahil baka masupalpal ko siya."

Kinuha niya ang salamin sa bag at nagsimulang manalamin. "Pero teka, maiba tayo, Elvi. 'Di mo ba talaga type si Thor? Parang almost perfect na kaya ang lalaking 'yon."

Humalukipkip ako. "'Di ko nga kasi type 'yon. Gusto ko 'yong sasambahin ako."

Natawa siya dahil sa huli kong sinabi. Tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Jeron na naglalaro pa rin. Naglalagay nanaman kasi ng liptint si Vida. Bagong liptint na ang gamit niya kasi naubos na ang kanyang ginamit kahapon. Hay, hindi ko talaga siya maaawat.

Kusang umarko ang kilay ko ng may humarang sa harapan namin na lalaking may hawak na gitara. Nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mapula niyang labi. Bago pa ako makapagsalita ay nagsimula na siyang mag-strum sa hawak niyang gitara.

"Nakita kita sa isang magasin. Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green. Sa isang tindahan sa may Baclaran, napatingin, natulala sa iyong kagandahan." kanta niya.

LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon