MDB 1: Huwaaaat?!

10.9K 284 12
                                    

Dedicated po sa author na pinakaunang nabasa ko na wattpad story na mafia. :) Grabe ang galing niya isa ako sa mga fan niya kaso secret lang yun ah! :)

)))))))))))))))))))))))))0_____________________0(((((((((((((((((((((((((

I hummed softly habang pinupunasan ko ang mga baso. Ako nga pala si Bianca Ferris, isang worker dito sa café. 19 years old pa lang ako, isang college student sa Levone University. Mabait at mahinhin akong babae, Chos lang hehehehe ( =^_^=)

Wala na kasi akong mga magulang noong bata pa ako kaya nagtatrabaho ako para makaipon pambayad sa mga tuition fees at sa mga semester na kukunin ko. Mahal kasi sa school na iyon, pero buti na lang binigyan ako ng 50% scholarship dun.

"Bianca, alis na ako iha. Ikaw na bahala dito ha." Sabi sa akin ni Tito Vic. Siya ang may-ari ng cafe na ito at siya na rin ang nagpalaki sa akin at tumayong ama.

"Sige po tito. Maya-maya po ay uuwi na rin ako." Sabi ko kay tito at ngumiti.

"Basta iha huwag ka nang papagabi ha. Mahirap na't madami ngayong mga masasamang tao. Hihintayin na lang namin ikaw ng tiya mo sa bahay." Sabi ni tito at umalis na. I sighed. Wala na namang tao kundi ako lang di bale sanay na naman ako eh. Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko at pinaglalagay na sa lalagyan ang mga baso at pinggan.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 10:48 pm na. Luh! Gabi na pala hindi ko namalayan.

'Aish! Kainis naman oh, hindi ko na naabutan ang Kill me, Heal Me! Huhuhuhu' Isip ko. Hmm, may replay naman sigurado nun sa youtube eh. Agad akong nagbihis at kinuha na ang bag. Nilagay ko na ang close sign at hinanap ang susi para mai-lock na ang pinto nang biglang...

*cling cling*

Narinig ko ang bell sa pintuan ibig sabihin may pumasok. Akala ko si tito kaya tinanong ko kung may nakalimutan pa siya. Pero nang humarap ako nabigla ako nang makita ko ang isang lalaki. Nakablack siya lahat. Hindi ko makita ang hitsura nito since may sombrero siya. Halatang nasa 6 ft pataas ang height nito kaya nakakatakot.

I hitched my breath and frozed. Sus ko! Sino kaya ito? Lord maawa kayo huwag niyo muna akong kunin. Pagdarasal ko.

"Ah-ah sir? Closed na po ang café baka pwedeng lumabas na ho kayo." Mahinhin kong sinabi sa lalaki. Inalis niya ang kanyang sombrero at lumaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Ito na ba ang katapusan ko?

Nandito ngayon sa harapan ko ang pinakakinakatakutan ng lahat. Walang iba kundi si..

REID LEVONE.

Napasinghap ako nang titigan niya ako. Te-teka, bakit siya nandito? Wala naman akong atraso sa kanya. I gulped unwillingly and look at the ground. I felt my body tense dahil alam kong nakatitig ito sa akin.

"Turn off the fucking light." Isang malamig na boses ang nagsalita. I flinched but did as I was told. Nang humarap na ako may nabunggo ako. Akala ko wall pero nang tumingala ako nakita ko ang isang mala-greek god na mukha. Ay! Ano ba Bianca! Now is not the time para magfantasy ka.

Iirit na sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko. "Sshhh." Gusto kong umiyak pero hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na alam niyang takot ako sa kanya.

"Oh ano nakita niyo ba?" May narinig ako sa labas. Ang lakas ng boses.

"Wala dito. Shit natakasan ata tayo!" Sabi nung kasamahan.

"Tara na nga! Baka may makakita pa sa atin dito." At ayun. Kita ko ang dalawang lalaki na mabilis tumakbo.

Naramdaman kong nawala ang kanyang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. Tiningnan ko ito at may nakitang...dugo?! I gasped at pupunta sana ako sa locker room nang bigla niya akong pinigilan.

The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon