"ANO?? Nasisiraan ka na ba?" mahina kong sigaw.
Buti nalang talaga at nandito kami sa loob ng sasakyan nag-uusap. Kung nagkataong nasa loob kami ng bahay nag-usap, paniguradong nag e-echo na yung boses ko.
Paano ba naman kasi, sinabi niya sa mga magulang niya na may girlfriend na siya dito sa Pilipimas. At saktong may family dinner sila sa darating na linggo, gusto ng parents niya imbitahan ang girlfriend nitong si Ulap.
Sa totoo lang wala naman talaga siyang girlfriend. Kaya nandito siya ngayon para pilitin akong magpanggap na girlfriend niya.
"Ali, sige na oh. Wala na kasi akong choice, please?" pagpilit niya sa akin.
Napasapo ko ang noo ko at saka pabuntong-hiningang tumingin sa harapan.
"Loko to! Bakit mo naman kasi sinabi sa parents mo na may girlfriend ka?"
"As if I have a choice? Ayaw ko lang na magduda sila sa akin." sambit niya at napahilamos sa kaniyang mmuoha.
"Ulap bakit ako? Nako! Sinasabi ko sayo, pareho tayong mananagot sa kalokohan mo kapag nagkataon."
"Ali kahit sa dinner lang o kung kailan kasama natin parents ko."
"Fine! Sige."
Kita ko ang pagliwang ng mukha niya. May magagawa pa ba ako?
Nang makaalis na si Ulap, napag desisyonan ko ng pumasok sa loob at kaagad na umakyat sa taas. Pagkpasok ko ng kwarto ay kaagad din akong dinalaw ng antok.
***
MABILIS lang ang araw at Lunes na agad. Naglalakad ako ngayon patungo sa locker ko. Dala-dala ko ang iced coffee na binili ko kanina bago ako pumasok ng campus.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga boses. Napagtanto kong nasa likod ng lumang room nagmula ang mga boses na 'yon.Naisipan kong lumapit sa bandang do'n. Dahan-dahan lang ang ginawa kong paghakbang. Nang makalapit ako ng kaunti, marahan akong nagtago malapit sa mga nakatambak na upuan.
Lumang room na ito dahil wala ng gumagamit nito. Maraming mga nakatambak na sira-sirang upuan at lamesa. Parang ginawa nalang itong stock room.
Hindi pa man ako nakalapit ng husto nang biglang may marinig akong boses ng babaeng umiiyak.
Kaagad namang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Natatakot ako sa naiisip ko. Paano kapag multo pala 'to? Waaah takot pa naman ako sa multo.
Napawi rin kaagad ang takot ko nang makarinig ako ng tawa ng mga babae galing doon.
Humakbang ako papalapit at kaagad akong napatigil dahil sa nakita. Marahang nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nakita.
"T-tama na po.... maawa po kayo sakin." umiiyak na sambit nung babae habang pinaglalaruan nila.
Sobrang gulo na ng buhok nito. Puro icing pa ang mukha niya at pati ang kaniyang uniform.
Umawang ang labi ko nang makitang nagdudugo ang labi niya. Sa tantsya ko ay para siyang sinampal ng malakas.
"Maawa? Para saan?!" sigaw nung babaeng nasa gitna. Tatlo silang nakatayo sa harap nung babaeng umiiyak.
"Maawa po kayo.... h-hindi ko po talaga intensyon 'yon,"
"Yan ang napapala sa mga malalanding katulad mo." sambit nung nasa gitna at malakas na tinulak 'yung babae. "Boys!"
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Teen FictionSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...