"WAAAAH! This is it! Ito na ang araw na hinihintay natin! Ga-graduate na tayo mga teh!" hiyaw ni Klea na kanina pa na e-excite.Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Nicole mula sa likod. Bahagya kong itinagilid ang ulo ko para tingnan siya.
"Handa ka na ba sa grand speech mo, miss valedictorian?"
Mahina akong natawa bago hinarap siya. Napangiti ako nang makita ang masaya niyang mukha. Suot-suot na namin ngayon ang kulay itim na toga habang bitbit namin ang kaniya kaniya naming mga sumbrero.
Hanggang ngayon ay sobrang saya ko pa rin. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng mga estudyante na ga-graduate ngayon, ako ang nangunguna sa lahat.
Muntik na akong maiyak sa saya no'ng makita ko ang aking pangalan sa bulletin board bilang isang valedictorian! My parents must be proud of me.
"Let us call on, miss Alison Pineza for her special and farewell speech."
Nagsipalakpakan naman ang lahat ng mga estudyante at mga magulang. Pagkatayo ko ay humarap ako sa lahat at bahagyang yumuko bago naglakad paakyat ng stage.
Nginitian ko pabalik si Mrs. Ruiz bago ko tinanggap mula sa kaniya ang maykropono. Humarap ako sa lahat at huminga ng malalim.
"Magandang umaga sa ating lahat. Ako po ay lubos na naglulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalita po sa harapan niyong lahat..." nakaharap lang ako sa kanila habang nagsasalita nang may ngiti sa labi.
"Sa ating mga magulang, guro, pamilya at kaibigan na laging nariyan, maraming maraming salamat po. Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa tamang landas. I admit... a life without mother and father is suffocating... sobrang hirap. Pero hindi 'yon naging rason para sumuko ako, that's why we should thank them..."
Nakangiti lang ako habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Masaya ako pero may parte sa akin na nalulungkot at naiinggit.
But i can pretend...
"To our parents who's always there for us, thank you for your fully support and never ending love... Nagpapasalamat rin ako sa Diyos na gumagabay sa ating lahat para maabot at masaksihan ang pangyayaring ito..."
"Hindi pa ito ang wakas, sapagkat nagsisimula pa lamang tayong pasukin ang mundo ng katotohanan..."
Matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon, hindi sadyang mapunta ang paningin ko kay Lance. Nakatingin ito sa akin habang seryosong nakikinig sa'kin. Mas guwapo siya sa suot na toga!
"Nagsisimula pa lamang magbukas ang kanya-kanyang pintuang patungo sa rurok ng tagumpay nating lahat at sa pagtatapos ng nobelang ito, gusto kong tandaan niyo ang kasabihang ako ang magsasabi, "Huwag kang huminto 'pag pagod ka na, tumigil ka 'pag ikaw ay tapos na." Huwag nating sukuan ang ating mga pangarap. Work hard for what you want, because it won’t come to you without a fight. You have to be strong and courageous and know that you can do anything you put your mind to. If somebody puts you down or criticizes you, just keep on believing in yourself and turn it into something positive. 'Iyon lang at binbati ko kayong lahat."
Nagsipalakpakan naman silang lahat. Masaya akong nakikita silang masaya sa araw na 'to. Nakikita ko ang tagumpay sa mga ngiti nila. Sobrang nakakataba ng puso na makitang sabay-sabay naming nalagpasan ang mga pagsubok.
"Let's all say, a job well done!" panghuli kong sabi.
"A JOB WELL DONE!" sabay-sabay nilang sabi.
Sa kabila ng achievements na naabot ko ngayon, tila'y may kulang pa rin. Nakakalungkot isipin na ang naging inspirasyon ko sa pag abot ng mga pangarap ko ay sila pa ang wala ngayon.
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Roman pour AdolescentsSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...