"WAAAAAAH!! OMGGG!" Nagulat kami nang biglang sumigaw si Abby.
Nasa camp tent na kami ngayon nagpapahinga. Sabay kaming napatingin kay Abby nang malakas itong tumili.
"Look at this! Dali tingnan niyo to!" masaya niyang sambit habang naamadaling pinakita sa'min ang cellphone niya.
"Siraulo, basahin mo nalang kaya." reklamo ni Klea.
Ang likot-likot kasi ng kamay niya, tapos apat pa kaming makiki-chismis, sa tingin niya mababasa pa kaya namin 'yon.
"Okay listen, nag post ang president ng SSG sa page ng school natin." anunsyo niya habang nakatingin sa binabasa.
"O, tapos? Ano sabi sa post?" tanong ko.
"Ang sabi dito, may magaganap na Beach Party mamayang gabi! Oweemjii! Can't wait." tumitili niyang sambit.
Nagulat ako nang tumili rin si Nicole na katabi lang ni Abby.
"Oh my ghad! Seriously? God knows how I miss the taste of Alcoholic drinks! Even the music and the disco lights."
Marahang nalaglag ang panga ko bago umiling nang sabihin 'yon ni Nicole. Lasingera talaga.
"In short, na miss mo yung La Rosa." kantyaw naman kaagad ni Jared.
"Prepare for the Party tonight girls! Pupunta tayo." na e-excite na sambit ni Abby.
Lumabas na muna ako para mag lakad-lakad at magpahangin. Nakapag-pahinga na rin naman ako. Nadaanan kong naglalaro pa rin ng volleyball ang mga boys.
Hindi na kami nanood, mas pinili nalang naming magpahinga. Dahil sa likot ng mga mata ko, napansin ko nalang na nakatingin na pala ako kay Ardie.
Umiwas ako kaagad ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Mabilis akong naglakad palayo doon.
Nagtungo ako malapit sa dagat, hinahayaang mabasa ng tubig dagat ang aking mga paa. Binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Sa tingin ko, mamayang unti makikita ko na ang sunset.
I'm just wearing black half shoulder croptop, with a pair of gray short above my knee. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang hangin na dumapo sa aking balat.
Bahagya akong tumingala sa langit na pinalilibutan ng Ulap. Nakangiti ko itong pinagmamasdan. Kaya lang, halos mapatalon ako nang may biglang sumulpot sa likod ko.
"Ay pogi!!" sigaw ko sa gulat nang mapatingin ako sa lalaking nasa likod ko. "Jusko nakatadhana na siguro sa'kin ang pagiging—"
Napatigil ako sa pagsasalita at kaagad na umawang ang aking labi nang mapagtanto kung sinong poging dilag ang nasa harapan ko ngayon. Gwapo niya nga.
Nang matauhan ay kaagad akong umiwas sa kaniyang ng tingin. Marahan kong kinagat ang hintuturo ko.
"Jusko po, ipalamon mo na ako sa dagat, ngayon na." bulong ko sa aking sarili.
"Sinong pogi? Ako?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Kita ko sa mga labi niya ang pag angat nito. Bahagyang napagilid ang mukha ko habang nakatingin sa maninipis niyang labi. Naka shabu na naman ata ako.
Dumako ang tingin ko sa mga mata niya. Mabilis akong napatayo at bumalik sa katinuan. Napansin kong mas lalong tumaas ang gilid ng labi niya.
"H-hoy! Pogi mo mukha mo! Ang kapal!" sigaw ko habang tinuturo siya.
"Suus nagtatanong lang eh, denial." rinig kong bulong niya.
Tumingin ako sa kaniya at pinagkrus ang dalawa kong braso. "Matuwid ka naman pala mag tagalog." sambit ko at tinaasan siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Teen FictionSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...