WALA sa sarili akong naglakad patungo sa locker ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Galit kaya si Eloy sa'kin?
Napabalik lang ako sa sarili ko nang may biglang bumangga sa balikat ko. Agad akong napatingin sa kung sino man ang bumangga sa'kin ngunit mabilis itong naglakad paalis.
Bahagyang kumunot ang noo ko. Nakasuot ito ng itim na jacket at may sumbrero pa. Weird. Estudyante ba 'yon dito?
Ngayon lang din ako nakasalubong ng naka civilian na estudyante. Maliban sa bawal kaming mag civilian, kailangan din naming magsuot ng uniform na kaugnay sa kursong kinuha namin.
Napailing na lamg ako at hindi na iyon inisip. Tamad kong kinuha sa bulsa ko ang susi ng locker ko. Pagkabukas ko, kukunin ko na sana ang libro ko sa Atlas of Human Anatomy ngunit napahinto ako nang makita ang isang folded paper.
Nagtataka akong kinuha ito mula sa loob ng locker ko at tiningnan ang laman.
"Paano nangyaring may napadpad na ganito sa loob ng locker ko?" mahinag wika ko sa sarili.
Umawang ang labi ko nang mapagtanto kung ano ito. It's a handwritten poem! Mabilis kong inikot ng tingin ang paligid. Kanino naman galing 'to?
Napahinto ang tingin ko sa lalaking kararating lang. Nakapamulsa ang dalawa nitong kamay habang diretsong nakatitig sa'kin ang malalim niyang mga mata.
"What's that?" sambit ng malalim niyang boses bago kinuha sa'kin ang papel na hawak ko. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin pa rin sa papel.
"Is this a love letter, Alison? May gusto bang manligaw sa'yo?" aniya.
"H-ha? Aba, malay ko ba diyan! Hindi ko nga alam kung sinong naglagay niyan sa loker ko, eh!"
"Good. Wala naman pala akong kaagaw," kibit-balikat niyang sabi.
Napairap na lang ako para itago ang kilig na nararamdaman. Shutangina naman kasi nitong si Lance! Walang preno-preno ang bibig!
"Sa tingin mo, Lance, ano kaya ang ibig sabihin sa handwritten poem na 'yan?"
Hindi siya sumagot. Ibinalik niya ang tingin sa hawak niyang papel. Nakatingala lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya.
LANCE POV'S
I tried to look at the back of the paper, but there was nothing on it. It's just a handwritten poem with deep meaning.
When I looked at Ali's face, she was so innocent and humble as well. Damn. Her humbleness makes her the sexiest person on earth. She's so rare among other girls I know.
Nakikita ko rin sa mga mata niya ang pagtataka sa natanggap na poem. Nakakapagtaka naman talaga. Pasimple akong umiling bago tumingin ulit sa kaniya.
"Baka hindi talaga 'to para sa'yo. Malay mo baka na misplaced lang 'to ng kaklase mo at nalagay sa libro mo," sambit ko at marahang ginulo ang buhok niya.
Nakita ko kung paano siya ngumuso na parang bata. Buti na lang at parang naniwala rin siya ka agad sa sinabi ko.
Nang masarado niya na ang locker niya, hinigit ko ang kamay niya at niyaya siyang maglakad pabalik sa room niya. Palihim akong napangiti nang makita ang pamumula ng kaniyang pisnge. She's so effin cute when blushing.
Nabura lang ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang nangyari kanina.
~Flashback~
Kanina pa nag v-vibrate ang phone ko pero tinatamad akong kunin ito. Kaso hindi pa rin ito tumitigil sa kaka-vibrate. Tangina.
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Novela JuvenilSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...