47

46 5 0
                                    


BALISA akong bumalik ng hospital. Ka agad akong dumiretso sa office ko. Buong akala ko ay kaya ko na siyang makita ulit, pero eto ako ngayon nawewendang na naman.

Mabilis kong sinarado ang pinto ng office ko nang makapasok. Napasandal ako sa pinto habang habol ang hininga.

Bakit ganito 'yong nararamdaman ko? Parang dinaga na naman ang puso ko sa sobrang bilis.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok mula sa labas ng pinto. Bwisit! May naalala tuloy ako sa pagiging magulatin.

"Doc Ali?" rinig kong sambit mula sa labas ng pinto kasabay ng pagkatok.

Huminga muna ako nang malalim bago ko ito binuksan. Pagkabukas ko, bumungad sa'kin si nurse Althea.

"Good morning, Doc Ali! Naghihintay na po sila sa Conference Hall. In ten minutes po mag s-start na ang meeting with Dr. Glocusto Lazaro." Nakangiting sambit ni Althea.

"Okay... sige, susunod ako. Salamat." usal ko at tipid siyang nginitian.

Nang makaalis na siya, sinarado ko na ulit ang pinto at naglakad patungo sa lamesa ko. Hindi ko alam pero nakuha ko pang mag re-touch.

Aalis na sana ako ngunit napahinto ako nang mag vibrate ang phone ko. Text message ito galing kay Mitzi. Siya ang naging close friend ko dito sa Lazaro simula no'ng mag trabaho ako rito bilang doktor. Kagaya ko ay Doktor rin siya.

Mitzi:

Sis, asan ka na?

Hindi ko na siya ni replyan. Saglit ko pang inayos ulit ang maikli kong buhok bago tuluyang lumabas ng office ko. Matagal tagal na rin akong nagpagupit ng buhok.

Kasabay nang paghakbang ko papalapit ng Conference Hall ay ang pagbilis ng kalabog ng dibdib ko. Nadagdagan pa lalo ang kaba ko nang biglang sumulpot si Mitzi sa gilid ko.

"Uy sis! Bakit naman ang blooming mo ngayon?" mahina niya akong siniko.

Napairap ako. "Ano ka ba! Syempre kailangan kong maging representable sa meeting ngayon, 'no! Makakasama kaya natin si Doc G.L. mamaya, hindi pwedeng haggard ang mukha ko, 'no!" sambit ko.

"Asus! Si Doc G.L. ba talaga?" panunukso niya, kaya naman mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. "Eto naman! 'Di ka naman mabiro!"

Pinauna ko na siyang pumasok sa loob bago ako sumunod sa kaniya. Nang makapasok ay bumungad sa'min ang mga Doctor dito sa Lazaro. Ngumiti lang ako pabalik sa kanila bilang pagbati.

Umupo na ako sa tabi ni Mitzi. Pagkaupo ko ay agad na natuon ang paningin ko sa katapat kong upuan. 'Yong paraan nang pagtingin niya sa'kin ngayon ay iba no'ng nasa college pa lang kami.

Simula no'ng unang kita namin sa office ko, alam kong nagbago na siya. Hindi na siya 'yong masayahing Orwel na kilala ko noon.

Halos sabay kaming lahat na mapaangat ng tingin sa pinto nang bumukas ito. Iniluwa mula dito si Doc G.L. kasunod nito ang lalaking anak niyang si Dr. Gregorio Lazaro.

Napaawang ang mga labi ko. Ngayon ko lang nakita ng personal si Doc Gregorio. Kuhang-kuha ni Lance ang mukha at postura ng kaniyang Daddy. Halatang pareho sila ng Ate niya na nagmana sa Daddy nila.

Ang balita ko ay wala dito ngayon sa Pilipinas si Doc Kristel. Nagpaiwan raw ito sa New York for some reason. And I heard, she's happily married in New York. May anak na rin siya kaya siguro nahahati na ang oras niya.

Napaangat ulit ako ng tingin sa pinto nang bumukas ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ulit ang presensya niya. Ngunit agad rin itong napalitan ng kirot sa dibdib nang matuon ang paningin ko sa kasama niya.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon