19

129 5 0
                                    

NAPASIGAW ako sa sakit nang bigla akong hampasin ng kahoy nang isang lalaking hindi ko kilala dahilan para matumba ako. Kahit nanghihina, pinilit ko pa ring makatayo.

Naka maskara ito ng itim, mata at bibig lang ang tangi kong nakikita sa suot niyang 'to.

Hindi pa man ako nakatayo nang tuluyan ay mabilis akong hinatak patayo nang isa sa mga kasama nito. Mariin kong nakagat ang labi ko nang makitang lima sila laban sa akin.

Napadaing ako sa sakit nang mariin na hawakan nito ang braso ko kung saan ako hinampas ng kahoy.

Pumiglas ako at sinubukang manlaban kaso sobrang higpit na pagkahawak ng kamay nito sa braso ko. Lumapit na rin ang dalawa pa nitong mga kasama para hawakan ang braso ko. Fvck! Anong gagawin ko?

Napansin kong marami na rin akong mga pasa sa katawan. Kanina pa nila ako sinasaktan at nanghihina na ang buo kong katawan.

Naiiyak na rin ako sa sakit na nararamdaman ng katawan ko. Shutangina! Kung ano-ano na lang ang pinapalo nila sa akin. Ano ba ang kasalanan ko?

Nanlumo ako kasi kanina pa ako sigaw nang sigaw ngunit wala pa ring nangyayari. Halos mapaos na ako kakasigaw!

"Kahit ano pa ang gawin mo diyan. Kahit sumigaw ka pa nang pa ulit-ulit, walang makakarinig sayo dito!" sigaw nong lalaking lider siguro nila at sinabayan pa ng malakas na tawa. Tumawa rin ang apat nitong kasama.

Hindi ko alam kung saan nila ako dinala ngayon. Nang tingnan ko ang paligid, isa itong lumang bahay na wala masyadong mga gamit sa loob. Kung mayroon man ay kaunti lang din, mga luma.

Humugot ako nang lakas ba loob at tiningnan sila ng masama. Hindi inalintana ang mga luhang nagsitulo sa akong pisngi.

"Ano ba ang kailangan niyo sakin?! Wala naman akong atraso sa inyo, ah!" matapang kong anas, kahit kinakabahan na.

Ngumisi lamang ang lider nila at may sinenyas sa dalawang lalaking may hawak sa akin. Walang pasabi nila akong hinatak papunta sa may lumang mesa at upuan.

Nang bitawan nila ako ay pabagsak nila akong pinaupo. Napatingin ako sa salamin na may kalumaan na din, medyo malayo sa akin. Dahan-dahang umawang ang labi ko nang makita ang hitsura ko roon.

Magulo na ang nakatali kong buhok at basang-basa na ng luha ang mukha ko. Kahit naka uniform ako ay bakas pa rin ang mga bagong sugat sa katawan ko.

"Pasensya ka na, napag-utusan lang kami."

Nabaling ang tingin ko sa lider nila. Nagsindi pa ito ng sigarilyo bago tumingin sa akin. Ngumiti ito ng nakakaloko.

May nagpautos sa kanila? Bakit? Anong atraso ko!

"S-sinong nag-utos sa inyo?"

Agad kong iniwas ang mukha ko nang bugahan niya ako nang usok galing sa bibig niya. Bastos!

"Hintayin mo na lang. Malalaman mo rin kung sino siya,"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, agad nila akong tinalikuran at umalis. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa may pinto. Bago pa man sila mawala sa paningin ko ay narinig kong inutusan niya ang kasama nito na kumuha ng alak.

Napapikit ako at agad na nag isip ng paraan. Ang totoo nga niyan ay sinubukan kong tumakas kanina kaso nabigo lang ako! Mas lalo nila akong pinahirapan nang magtangka akong tumakas.

Mabilis pero maingat kong sinubukan na tanggalin ang tali na nasa kamay ko. Sobra silang mautak! Hindi man nila tinalian ang mga paa ko, ngunit grabeng pambu-bogbog naman ang ginawa nila sa akin para manghina ako ng ganito.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon