BAKAS sa mukha ko ang gulat sa pag amin ni Lola Marga. Kung kilala niya pala, bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit kailangan pang ilihim? 'Tsaka anong connection no'n sa apo ni Doc G.L. na si Lance?
"Nakita o nakilala mo na ba ang apo niyang lalaki? Balita ko ay pareho kayo ng paaralan no'ng nasa SHS ka pa lang." aniya.
Tumango ako. "Lance Ardie Lazaro po ang pangalan niya Lola... siya po ang boyfriend ko..."
"Boyfriend mo?" gulat na tanong ni Lola.
"Opo, La. B-bakit po ganiyan yung reaksyon niyo? Hindi ba po dapat masaya ka para sa'kin? Kasi... boyfriend ko ang apo ng hinahangaan kong doktor?"
Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko. Nagtaka ako kung bakit bigla siyang nanlamig.
"Matagal na ba kayo, apo?" tanong niya ulit.
"Mahigit isang taon na po kaming magkakakilala. Siyam na buwan niya po akong nililigawan, at kasasagot ko lang po sa kaniya, Lola."
Wala sa sarili siyang tumango-tango. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.
"May problema ho ba, Lola?" marahan kong pinisil ang kamay niya.
"Sekki, ayaw kong magtago ng lihim sa'yo... pero gusto kong handa ka sa ipagtatapat ko..."
"Lola, may koneksyon po ba 'yang ipagtatapat mo sa'kin kay Lance?"
Aaminin kong medyo kinakabahan ako pero hindi ko 'yon pinapahalata sa kaniya. Humigpit ang paghawak niya sa'kin at nagulat ako nang makitang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
"Sekki... ang boyfriend mo na apo ni Doc G.L.... ang dahilan kung bakit naaksidente ang mga magulang mo..."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Matapos niyang sabihin 'yon ay sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko kayang paniwalaan ang sinasabi ni Lola Marga. Napaka imposible naman no'n!
Ngunit kahit anong kumbinse ko sa sarili ko na baka nagbibiro lang si Lola, may parte sa'king gustong maniwala sa kaniya. Hindi siya iiyak kung hindi ito totoo!
"Pero, Lola... napaka imposible po ng sinasabi niyo..." Umiiling kong sabi.
"Sekki, alam kong mahirap para sa iyong paniwalaan ang sinasabi ko... lalo na't ngayong nalaman kong kasintahan mo na pala ang batang 'yon." litanya niya.
Mahina akong tumawa para itago ang kaba. "Lola, wala po kayong ebidensya! P-paano niyo po nasasabing si Lance ang dahilan? La, hindi niyo po nakita ang nangyari!" mahina lang ang ginawa kong pagsigaw.
"Maghunos dili ka, Sekki. Handa akong e kwento sa'yo ang lahat ng alam ko." aniya. Pinunasan niya muna ang mga luha sa pisnge niya bago humarap ulit sa'kin.
Kahit ayaw kong makinig, parang may parte sa'kin na gustong malaman ang katotohanan, para sa ikapapanatag ng aking kalooban.
"Noong araw na nangyari ang aksidente, nasa byahe ang mga magulang mo papunta dito sa Batangas... para sunduin ka at bisitahin ako..." nagsimula na siyang mag kwento.
"Limang oras na ang nakalipas ngunit... hindi pa rin sila dumadating. No'ng una inisip ko na baka na traffic lang sila... kaso iba na yung kutob ko lalo na at lumipas ulit ang dalawang oras... wala pa rin ang mga magulang mo..."
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Teen FictionSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...