"NAKAHANDA na ba lahat Ali?" tanong ni Deyron mula sa kabilang linya.
"Malapit na kaming matapos, nasaan ka na ba?" anas ko habang inaayos ang pagka set ng mga lights at music.
"Good. I'm on my way to fetch her," He said.
"Mhmm sige ingat, text mo nalang ako,"
Binaba ko na ang cellphone ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Sinubukan ko pang patugtugin ang speaker para sa paghahanda.
Nag suhestiyon kasi si Deyron na magpa soft music na lang kaysa kumuha pa ng mga tutugtog. Sabagay tama siya, gastos lang din kapag mag hired ng taga-tugtog.
"Tapos na namin ang table setting!"
Nabaling ang tingin ko kila Jared at Klea. Tumaas ang kilay ko nang makitang nakaayos na nga ang lamesa.
Yes, tama ang iniisip ninyo. Eto ang hininging pabor ni Deyron sa amin.
"Basic. Tapos na rin kami." singit ni Nicole at nilapag nito ang mga pagkain na inorder lang din naman namin. Kasama niya si Abby na may dala-dalang wine at wine glass.
I smiled. "Hintayin na lang natin si Deyron,"
"At ang girlfriend niya." sambit ni Abby at ngumisi.
Hindi ko pa nakikita at nakikilala ang girlfriend ni Deyron. Kaunti lang din ang alam ko base sa kwento sa akin ni Deyron. Sa state daw ito nag-aaral at minsan lang rin umuuwi dito sa Pilipinas.
Buti nga nakayanan ni Deyron yung set-up nilang ldr era. Siguro ganoon niya talaga ka mahal yung babaeng 'yon. Natamaan na ata ang pinsan ko! Sana makahanap din ako ng isang Deyron Cervantes.
Mas gusto ni Deyron na dito nalang sa bahay ihanda ang pa surprise date nila ng girlfriend niya. It's a welcome back and monthsary surprise. Sana lahat may pa ganoon, teh!
Medyo malapit lang sa pool namin sinet-up ang lamesa para may magandang view at mas romantiko 'yon.
Inaya ko muna silang umupo sa pool habang hinihintay namin si Deyron. Dahan-dahan kong binabad ang mga paa ko sa tubig. Nakagat ko ang labi sa lamig.
"O, cheers muna tayo!" Napalingon kami kay Nicole. May dala siyang wine at baso at umupo sa tabi namin. Nakibabad na rin ng paa.
Nagsalin siya ng wine sa baso at agad din naman namin itong tinaggap. Sabay naming inangat ang baso namin.
"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw.
Ngumiti ako bago ininom ang wine sa baso. I love them. They've been a good bestfriend to me, since then. Napatulala ako saglit. Dadating rin yung araw na hindi na kami magkakasama-sama.
Napansin ko ang pagtayo ni Abby. Naglakad ito palapit sa may speaker. Nag-iwas rin ako ng tingin at ibinalik ang tingin sa pool.
Uminom ulit ako sa baso habang nasa malayo pa rin ang tingin. Kita sa gilid ng mata ko ang pag upo ni Abby sa tabi ko.
Nagku-kuwento na ngayon si Nicole tungkol sa kalandian thingy niya. Napairap ako. Ang tatlo naman ay interesadong nakinig sa kwento ng gaga!
Halos masamid ako sa iniinom kong wine nang marinig ang sinabi ni Nicole.
"Hoy mga gaga totoo 'yon! Nasa gitna na kami ng paghahalikan tapos sasabihin ba namang virgin pa raw siya!"
Malakas na tumawa ang tatlo. Nagpatuloy pa sa pagkwe-kwento si Nicole pero wala na doon ang atensyon ko.
Napansin ko na lang ang sarili ko na nakatulala habang nakatingin sa gitna ng pool. Marahan akong napangiti nang makitang nag r-reflect ang liwanag ng buwan sa tubig ng pool.
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Teen FictionSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...