18

123 6 0
                                    


"ALI, tell me the truth."

Nanatili akong nakatayo sa harap niya. Nag-aalangan pa rin ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. Seryoso lang ang mukha niya habang nanatiling kalmado.

"So, hindi niya pa pala sinabi sayo." I'm not asking him, it was more on a statement.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Bahagya kong binasa ang pang-ibaba kong labi. Hindi pala umamin sa kaniya si Andrea! I wonder what happened after I left earlier.

"What? Anong kailangan kong malaman, Ali?" He ask curiously.

Matunog akong bumuntong-hininga at umiling.

"Wala... kasi wala naman talaga." pagsisinungaling ko. "Sabi ko naman sayo 'di ba? Kailangan ko ng magpahinga."

Ito lang ang alam kong paraan para hindi niya malaman ang katotohanan. Gustohin ko mang sabihin sa kanya ngunit pinangungunahan ako ng takot kapag nalaman niya na ang totoo.

"I'm telling you Ali, you don't need to lie at me." may diin niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nakagat ang labi. Mag isip ka Alison! Huminga ako ng malalim bago bumaling ulit sa kaniya.

"Gusto mo talagang malaman?"

Hindi niya ako sinagot. Diretso lang siyang nakatitig sa akin. Hinihintay niya lang akong magsalita. Oh, please Deyron, baka hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko!

Ngunit parang desidido na siyang malaman. I left no choice. Sinabayan ko ang mga titig niya.

"Naalala mo ba 'yong mga araw na hindi ako lumalabas ng kwarto? 'Yong mga araw na wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong at umiyak..."

Dahan-dahang nabura ang pagkakunot ng noo niya. I saw how he clenched his jaw.

"Mga araw na wala akong kinakausap ni isa sa inyo. Deyron, saksi ka sa nangyari sa akin... nakita mo kung paano ako nasira!"

Pinipigilan kong umiyak sa harap niya ngunit napaka traydor ng mga luha ko! Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Tell me, Deyron... natatandaan mo pa ba 'yon?!" basag na ang boses ko.

Akala ko manhid na ako, pagkatapos kong mailabas lahat ng hinanakit ko kanina. Kaso shutangina, hindi ko pa pala nailabas lahat!

"Ali..." halata sa boses niya ang pag-aalala. "Can you tell me what's your point?" 

Umiwas ako ng tingin at mabilis na pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Tangina, bakit ba ako umiiyak?!

Hindi rin naman ako nagsisisi. Mabuti na rin at nangyari 'yon! Kaysa naman patuloy lang akong magpakatanga sa gagong 'yon! I don't deserve him!

"Andrea,"

Nakita ko ang gulat at halong pagtataka sa mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ng girlfriend niya.

"What's with Andrea?"

Mariin akong napapikit. Naiinis ako kapag naririnig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. At hanggang ngayon, galit na galit pa rin ako sa kanila! Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin!

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sa'yong... siya 'yong rason kung bakit ako nagkakaganon?"

Nakita ko ang pag awang ng kaniyang labi at dahan-dahan siyang umiling. Sa mukha niya ngayon ay halatang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Na para bang nagbibiro lang ako at sasabihin ko sa dulo na prank lang 'to!

"Deyron, believe me or not. Your girlfriend was the reason why Theo and I broke up..."

Bahagya akong tumingala para pigilan ang walang katapusang pagtulo ng mga luha ko.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon