HINDI rin nagtagal ay nakarating na kami sa coffee shop. Kagaya ng nakasanayan, dumiretso kami sa lamesa kung saan kami laging tumatambay dalawa.
Matapos naming mag order ay umupo na kami. Umupo si Lance sa katapat kong upuan.
"Ano nga palang ganap niyo ngayon kasama ang family mo?" tanong ko nang makaupo.
"Ganap?" tanong niya pabalik.
"Oo. Like, family dinner?" sambit ko.
"They are busy. Also, I don't do freaking birthday celebration, Alison."
"Kasi ba hindi ka na bata? Nako Lance! Wala sa edad 'yan! At saka kung busy ang family mo, pwede mo namang ayain na lang ang mga kaibigan mo, 'di ba?" litanya ko.
Matunog siyang bumuntong-hininga. Kinuha niya ang kamay ko sa lamesa at pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
"Having you on my birthday is enough, Alison. Pwede naman akong ayain ng mga ugok na 'yon kahit anong oras. Pero yung makasama ka, ibang usapan na 'yon."
Medyo nailang ako sa titig niya kaya mabilis akong umiwas. Alam ko ring sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Ikaw ba naman pakiligin ng wala sa oras leche!
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na makipag titigan kay Lance. Buti na lang at dumating na ang coffee kaya mabilis kong hiniwalay ang kamay naming dalawa.
"Thank you Freya," nakangiti kong sabi.
"Enjoy your coffee, ma'am, sir." ngumiti siya pabalik bago umalis.
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Lance, nakatingin lang siya sa'kin na para bang may iniisip. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Bakit Lance?"
"Bakit ang ganda mo, Ali?"
Literal na natigilan ako sa sinabi niya. Buti na lang at hindi ko pa nainom ang kape, kasi kung nagkataon ay mabubuga ko ito ng wala sa oras.
"Tse! Puro ka na lang biro! Tamo, baka seseryosohin ko 'yan!" mahina kong singhal.
"Hindi ako nagbibiro. Edi seryosohin mo." aniya bago uminom sa kape niya.
Pigil akong tumawa at ininom ang kape ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag iinom nang bigla kong maisip ang nangyari kanina sa anatomy lab. Kapatid kaya ni Danica yung babaeng 'yon?
Saglit akong napatulala. Hanggang ngayon ay tumagos pa rin sa puso't isip ko ang sinabi no'ng babae. Na cheap raw ako. Ang sakit pala lalo na kapag ikaw na mismo ang nakarinig.
Napabalik lang ako sa reyalidad nang hawakan ni Lance ang kamay ko. Hindi ko man lang napansin na nakatayo na pala siya ngayon sa gilid ko.
"Let's go," aniya na ikinakunot ng noo ko.
"Saan?"
"Let's watch the sunset." aniya. "Tumayo ka na diyan kung gusto mong makita ang paglubog ng araw, Alison."
Nang sabihin niya 'yon ay mabilis pa sa kabayo akong tumayo. Kukunin ko na sana ang bag ko ngunit naunahan na ako ni Lance. Hawak niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan palabas ng coffee shop.
Agad kaming sumakay sa kotse niya. Nagsuot na ako ng seatbelt at hinintay siyang makapasok. Pagkapasok niya ay agad niya ring inestart ang engine at nagsimulang mag maneho.
Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang may maramdaman akong parang flash ng camera.
Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang nakangiting si Lance. May hawak siyang cellphone at kita ko kung paano niya ako kunan ng litrato.
BINABASA MO ANG
Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)
Teen FictionSa paglubog ng araw nagkakilala ang magkasintahang sina Chelsea at Dwight. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang batang babaeng si Alison Pineza o mas kilala bilang Ali. Alison Pineza did not give up to seek justice for her parents, who died be...