"Ana!" Malakas na sigaw ni Tyson. Habang hinihintay namin yung prof namin sa video production. "Napanuod mo na? Yung kinakikiligan ng lahat?"
"Alin?" Sagot ni Ana.
"Yung that thing called tadhana?" Sagot ni Tyson.
"Ha? Eww. Yuck?" Pasukang sinabe ni Ana. "Tagalog? ano yan agawan ng asawa nanaman? O korning comedy? Love story? Nakakasawa na yung ganyan."
"Hindi! Maganda to promise!" Masayang sagot ni Tyson.
"Tara! Mamaya sine. Paguwe. Showing na. Sama ko si Gretchen" Tyson.
Di ko alam kung bakit pumayag ako. Dahil di naman talaga ako mahilig sa tagalog films. Mas lalo na pag mainstream. Paulit ulit na lang kase. Nakakasawa. Tsaka madaling hulaan.
Kaya pagmainstream na tagalog. Pirata ko na lng pinapanuod. O kaya sa T.V. pag yung mga ala una na ng hapon. Wala ka na talagang ibang choice kundi iyun.
Di naman kase sa ayaw ko ng tagalog. Ayoko lang talaga yung "concept ng mainstream" na basta mabenta lang. Basta pagkakitaan lang. Nawawala yung passion dun. Nawawala yung art. Pero di ko din naman sinasabe na ganun na lahat ng tagalog mainstream. Di naman. Pero karamihan.
Pero sino nga ba masisi mo? Dahil sa pera na nga lang umiikot ang mundong ito. Mas lalo na dito sa Pinas. Feeling natin pera lahat makakasagot sa problema natin.
BINABASA MO ANG
letters from the broken one.
Любовные романыlet's discover love and the perks of being a broken one together in this wonderful book I wrote. chos! XD haha! pero please basahin niyo po! :D