"Ana!! Ana!" sigaw ni Tyson saakin ng pagkalakas lakas sa labas ng classroom namen sa main building.
"Oh? baket? Umiiyak ka nanaman. lalake ka ba talaga?" pabiro kong sinabe kay Tyson.
"Inom tayo. Ana. may videoke bar dyan ohh malapit lang. wag na tayong pumasok sa math.. minor lang naman yun! Sige na Ana!" iyak ni Tyson
"Sige, pero. last na yan ha? I promise mo sakin."
"sige, thank you! haha" sagot ni Tyson.
Soo. hayun palabas na kami ng campus at malas nga naman na nakasabay pa namin sina Gretchen. di na lang kame mga nagpansin naman at baka may kung ano- ano pang gulo ang mangyari sa tapat ng main gate. nakakahiya pa kaya pinigilan ko na kagad siya.
Hayun dertso sa videoke. kanta kanta. order ng isang case ng beer. (at parang napakalas naming uminom. ni di nga ako nakakaubos ng isa. tapos may lima pa. ehh para namang kaya nya lahat yun)
And then. tumigil akong kumanta. dahil umiiyak na sya, kaya serious talk na kame. as in super deep talk na kame. at nakaubos na sya ng dalawa.
"Ana? sa palagay mo ba anong lamang niya? anong lamang ng lalaking yun saken?" tanong ni Tyson saken.
"Wala naman. wag mo ng problemahin yun Tyson. malaya ka na! i-enjoy mo yan. ganun naman lagi kong sinasabe sa sarili ko."
"Ana?! Di ko kase maintindihan! Baket di niya kase kayang iwan yung lalaking iyun. Katulad ng pagiwan niya saken.. Ang dali dali. Wala man lang pagaalangan. Kahit na mas gag* pa sakin yang pinalit niya!!!" sagot saken ni Tyson na punong puno ng galit..
"alam mo Tyson? gwapo ka sana. tanga ka nga lang." sabay halak halak ko. "kalimutan mo na kase yun. wala ka namang mapapala dyan kahit ano pang sabihin mo saken. o sa kanya man. tandaan mo isang taon ka na niyang niloloko. Tapos ikaw pa yung ganyan."
"Ana naman kase...."
"kase ano?!" sagot ko naman.
"pag naiiyak ko na ba lahat ito..." sabay singit ko sa kanyang sasabihin.
"Naaalala mo ba yung movie na nairecommend mo sakin. yung That Thing Called Tadhana?" "lagi mo lang sabihin sa sarili mo yung mga nangyare dun. ikaw sila. isipin mo yun kaya pag gusto mong umiyak. wag mo na munang ikwento saken. baka masingil pa kita!!"
"Sige!" sagot niyang paiyak saken.
"Promise yan ha?"
Di na sya sumagot. Kinuha nya saken yung mic. pumili ng kanta. tapos binuhos niya lahat sa kantang pinili niya. di ko alam yung kanta pero nung kinanta nya yun naiyak din ako. naramdaman ko yung saket niya. di ko nanaman mahal yung si Nelson. yung kaibigan kong paasa. pero. Simula nuon. may mas naintindihan ako. nagbukas ang isip ko sa iba pang mas malalim na bagay.
At yun. Umuwi na kame. Ni di pa nga namen naubos yung isang case. Tsaka sobrang lasing na kame. Kaya nag taxi na lang kame. Pero hinatid niya muna ako samen tsaka sya umuwe. At pag uwe ko naman natulog din agad ako..
BINABASA MO ANG
letters from the broken one.
Romancelet's discover love and the perks of being a broken one together in this wonderful book I wrote. chos! XD haha! pero please basahin niyo po! :D