Si Tyson

27 2 0
                                    

Oo nga pala. Commarts kurso ko. Mahilig kasi ako sa mga films kaya pangarap ko maging director o kaya writer. Wala kasi akong pang paaral ng film kaya eto na lng. Medyo malapit pa.

Pero mahirap. Mahirap kase transferee ka, may mga subject na wala kang ka kilala. Walang kaibigan. Wala lahat. Wala.

Pero buti na lang. Nandyan palagi yung makulit na Tyson na yun. Ang kulit sobra. Pero ang panget naman. Ang panget panget. Haha! XD joke lang! Haha! Dinaman panget, yung tipong ok lang. pero napakabait tsaka masarap kasama.

Pero sa mukhang yun. May jowa yun. Magdodoktor daw. Buti di nagagalit yung jowa nya saken. Laging nakasiksik saken ehh. Haha!

Jowa nya daw yun since 1st year college. Di naman daw mala pelikula love story nila. Pero yung palagi nyang pinagmamayabang sa buong classroom ehh daig pa daw nila si John Lloyd at si Beapag sweet sila o magkasama.

Pero di naman ako naiingit o ano. Pero buti pa sya. Masaya. Lahat parang langit sa kanya. Wala iniiyakan. Wala..

Sandali pa lang kami magkakilala pero parang kilang kilala na namin ang isa't isa. Super close na kame. Kahit 2 months pa lang ako sa college na to.

Lagi kase kami magkasama. Minsan napaghihinalaan na nga kami. Na kami na. Kahit hindi. Kahit na broken ako. Kahit na masaya siya sa relasyon niya.

Pero hindi naman kame nahuhulog sa isa't isa. Hindi. Sabe nya naman. At alam ko namang mahal na mahal niya si Gretchen.

.........

letters from the broken one.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon