*Tyson.
"P*tang*na F*ck!! sh*t! ano ba? bakit ba kase ngayon ko pa to narealize. tang*na kaya nga umuwi na ako ehh. tang*na naman ano ba letse! baket ngayon ko pa to naramdaman! bakit kung kelan pa kita minahal tsaka ka nag mahal ng iba. letse! Ana sana hinintay mo ko kahit sandali pa. hanggang sa marealize ko lang. tang*na.." lahat to sinisigaw ko sa kotse ko mag-isa malakas na malakas ang radyo kasabay ng malalaking patak ng iyak ko dahil hindi pa ako nasasaktan ng dalawang beses. ng dalawang sitwasyon. tang*na!!
*bushh! bugss bang...
pumaikot-ikot yung kotseng minamaneho ni Tyson sa Highway papuntang village nila. Dugo! Bubog! mga bakal na kumalat.. wala namang mga bahay sa tabi pero parang milagro dumami bigla ang tao. dumami usi pero walang tumutulong. lahat nakatunganga lang. nag tsitsimisan hanggang dumating ang ambulansya, mga rescue..
*Hueyow! Hueyow! Hueyow! (Tunog ng ambulansyang matuling tumatakbo patungo sa aksidente.)
"Nasan ako? Ano to? bakit basang basa ako? dugo ba to?" bulong ko habang inilalabas nila ako sa kotse. Nakita ko.
Nakita ko ang sarili kong kamatayan. Nakakatakot pala na punong puno ka na ng dugo. Na ang buong damit mo'y pula na. Na may mga bubog at may dugong gumoguho sa ilalim ng buhok mo pero ang iniisip mo pa rin ay siya. Ang sakit kase hindi dahil hindi mo maramdaman yung katawan mo pero dahil naaksidente ka na nga't lahat si Ana pa din ang nasa isip mo.
"Aaaaaaaaaaahhhhhhhh!!" sigaw kong napakalakas dahil naramdaman ko na lahat ng sakit. Lahat ng sugat ko, lahat ng pasa, lahat ng gasgas, masakit. sobrang sakit pala. ganto ba ang pakiramdam ng muntik ka na ngang mamatay pero hindi pa natuluyan. mas masakit pala yun.. At bigla akong nawalan ng malay..
*At the hospital
Silence.. as my family, my divorced parents come. holding hands as they cry for my life... and soon. my brothers and sisters come as well.
"Tyson! Tyson! ano ba?" Sigaw ng aking inang hindi ko na kilala. "Ito na nga lang ulit yung unang beses na maguusap tayo simula nung umalis ka sa bahay tapos nagaagaw buhay ka pa! ano ka ba naman Tyson." Dagdag niya habang unti-unti na syang humahagolgol sa pag-iyak..
At tumingin lang sakin daddy ko, walang imik. Panay luha lang di siya makausap kase alam nya ang dami nyang pagkukulang saken, saming magkakapatid na lima at pangalawa ako pero hindi din naman kame close sa isa't isa kase iba- iba magulang namen.. Kahit din naman yung mga kapatid ko hindi alam sasabihin kase magkakilala lang kame sa mukha, pangalan, konting konting impormasyon lang. Oo mayaman kame pero walang kwenta naman ang buhay namin diba?
Then I woke up. *deep breathing *deep breathing "Mommy? Daddy?" bulong ko dahil hindi ako makapagusap ng maayos. ang daming naturok na kung ano-ano.
Tapos umiyak ulit si mama tsaka si daddy sa tuwa dahil nakapaguusap na ako. at mabiilis ako nakarecover sa aksidente 10 hours lang. at andun daw sila simula nung tumawag ang hospital gamit yung mga emergency contacts ko.
Tapos nagpaalam na din yung mga kapatid ko pagtapos ng medyo naging okay yung condition ko. mas okay na yu diba? kase dumalaw nag paramdam, kahit na hindi kami close magkakapamilya pa din naman kame diba? kaya nga ako lumayas sa bahay ehh. ang hirap kaseng gumalaw sa ilalim ng bubong na punong puno ng nakakabinging katahimikan. yung tipong may gusto kang sabihin pero hindi mo alam kung anong irereact nila kaya tumatahimik ka na lang ganyan feeling ko palagi nuon kaya nung medyo tumanda tapos medyo nakakapaghandle na ako ng isang business ni papa humiwalay na ako. ang hirap kase ehh..
Tapos pangaral na ng pangaral si mama, katulad ng ibang nanay. si papa naman andun lang buti nga walang business na inaasikaso. lagi na lang kasi yun ganun. palagi na lang business. lagi na lang. pati nga ata tong hospital na to sakanya na. Multi-millionaire si papa, hindi billionaire na ata..
The next day sabe ng doctor in a few days na lng daw makakalabas na din ako. Wala nga daw ako nakuhang broken bones pero madaming scrathes mabagal naman daw kase yung takbo ng sasakyan kaso yun nga sumalpok sa pader kaya ganun nangyare.
Tapos nung malaman nila Ana sumogod din sila agad.
"Buti naman buhay ka pa! ano bang nangyare? wag mong sabing lasing ka?" sunod-sunod na tanong ni Ana sa akin habang hawak niya ang kamay ni Chris. tsk! sakit no?
"Ahh hindi mahabang storya kase." sagot ko sakanya.
"Sige. Nan dito lang kame kung anong kailangan mo sabihi mo lang." Dagdag ni Ana.
"Ano? Kase... Ana. Pwede ka bang makausap? Yung ikaw lang muna. Pwede ba?"
"Sige! Labas ka muna bhe. Sandali lang to." Sagot ni Ana. Sabay labas naman ni chris sa aking kwartong pinagpapahingahan.
"Gusto mo ba talagang malaman kung baket ako naaksidente Ana?"
"Baket nga ba?" Sagot ni Ana.
"Nakausap ko kase si Gretchen kahapon. Nagkita kame sa may hallway, kinamusta nya ko. Tapos. Tapos nagbangayan pa kame dun nakakahiya."
"Ohh? Anong kinalaman ni Gretchen dito?" Biglang singit ni Ana habang pinapaliwanag ko ang nangyare.
"Teka, hindi pa kase tapos. Tuloy ko ha? Tapos ganto kase. Sabe nya baket daw kase ang tanga-tanga ko na hindi ko pa din daw ba naiisip na mahal ko na daw pala bestfriend ko." Sabay buka ng bibig ni Ana pero madali ko naman siyang napiit magusap at nakinig ulit sya sa kwento ko.
"Pero.. Pero.. Teka wag ka muna uusap Ana. Tapusin mo muna yung kwento ko." Dagdag ko. "At that point na unti unti kong na realize yung sinabe nya. Tapos... Tapos. Nung nakita na kita, nung hinanap kita. Huli na ako, skayo na pala ni Chris. Then I drive home reallly, really depressed. Pero hindi mo to kasalanan. Sorry. Kung baket kase late ko ng narealize. Learned my lesson though, don't drive quivering in emotions. I'm sorry again."
The she spoke. "Ano ba naman yan Tyson? Alam mo naman diba na bestfriend diba? Di ko na tuloy alam sasabihin ko sayo, pero teka. May aaminin din ako sayo. Diba madalas na kitang iwasan mga ilang weeks na din. Pa sensya na dun ha? May dream kase ako na. May nag sabe kase saken ng mahal na kita Ana, parang ganun. Kaya kita iniwasan na hihirapan kase ako nun. Kase kakabreak nyo lang ni gretchen tapos ganun. Sorry din. Sorry po."
"Sorry. Sorry.. pero sana ako pa din bestfriend mo."
"Kung kaya mong patayin yang feelings na yan Tyson sige. Payag ako" sagot ni Ana.
BINABASA MO ANG
letters from the broken one.
Romancelet's discover love and the perks of being a broken one together in this wonderful book I wrote. chos! XD haha! pero please basahin niyo po! :D