Ok na naman lahat. Ok na sana. 5 months? Dito sa university na to. At matatapos na yung sem. At onti onti ko ng natatanggap na may mga bagay lang pala talaga na karapat dapat sayo.
Pero. Pero... Biglang lumapit si Tyson. Umiiyak. Dahil tuluyan na nga raw silang nagbreak ng long time girlfriend niya.
Siya. Si gretchen. Papala ang ng dadaya. Nung isang taon pa lang pala sila. Sabe ni Tyson syonota lang daw pala siya kase mayaman siya.
Tsaka sa tagal tagal nilang magsyota. Ewan ko ba kay Tyson. Wala man lang kakutob kutob. Ano bang klaseng tao yan. Di man lang niya naramdaman na niloloko na pala siya.
At hayun. Nakadikit nanaman tong napakakulit na si Tyson saken. At lagi na lang siyang umiiyak. Pero naiintindihan ko naman sya. Di ko nga lang alam sasabihin ko.
Ano nga bang dapat kong sabihin? Na ok lang ang lahat. Makakahanap din siya ng iba? Na kahit ako walang alam sa kinabukasan. At di ko rin naman yun kayang patunayan sa kanya kase ako rin nasasaktan. Ako rin naman. Hanggang ngayon..
At kung may masasabe man ako. Dapat ko nga bang sabihin pa. Ayoko naman ipamukha sa kanya na may mas mga bagay pang mas masakit kesa dun.
Tsaka ano nga bang sasabihin ko? Kaya ewan. Pinapanuor ko lang siyang umiyak. Wala akong masabe. Wala talaga. Kase ako din nasasaktan din naman. Kaya minsan. Sumasabay akong umiyak...
BINABASA MO ANG
letters from the broken one.
Romancelet's discover love and the perks of being a broken one together in this wonderful book I wrote. chos! XD haha! pero please basahin niyo po! :D