"I stopped liking you. cause I liked my bestfriend now.."
Wahh!! Nagising ako bigla at hayun lang yung nasa isip ko at yun lang yung mga katagang naiwan pagkagising ko. di ko alam kung si Tyson ba o ako yung nagsabe nun sa panaginip ko. di ko alam talaga pero kabado ako. at 3:00 na ng umaga at lasing na lasing na lasing pa din ako.
Di na ako makatulog kakaisip dahil baka mapanaginipan ko nanaman yun. at natatakot akong malaman kung sino man nagsabe nun, kung ako ba o si Tyson. at kung siya man yun ano namang irereact ko at kung ako man yun ano namang sasabihin niya? nakakatakot. mas nakakatakot pa sa mga horror movies na mga napanuod ko.
Kaya ang ginawa ko. nagbukas ako ng laptop. nag youtube at inalis lahat ng bumabagabag sa isip ko. para makatulog ulit.
Then. nagising ako sa harap ng laptop. 10:00 am na. at may klase pa ako ng 11:00 may hangover pa at binabagabag parin ako ng panaginip na yun.
at kahit na ganun pumasok pa rin ako. pero di ko magawang makausap si Tyson natatakot ako. baka kung anong masabe ko.
kaya medyo mailap ako sa kanya moody. ganun ba. acting ako na meron ako(merong ano, alam nyo na yun.) ngayon para di nya mahalata na may tinatago ako sa kanya. at hayun kinagat naman niya.
Umuwi na din ako agad pagtapos ng last class ko. Di na na din ako nagpaalam kay Tyson. Kase nga binagabag ako ng panaginip ko.
At eto pa. May sumabay pang pang asar ngayon sa pagkakaasar na araw na ito. Etong kaklase ko sa P.E. na nairetake ko kase di ako nag P.E sa dating school ko. Ehh. Nangungulit. Palibhasa kase wala si Tyson dito.
Hinihingi nya yung number ko at kung pwede daw kameng lumabas ngayon. Dahil cute sya. Haha! Binigay ko yung number ko. Pero di ako pumayag lumbas. Kase nga gulong gulo ako.
Sabe niya pa nga. Kaya lang daw siya di makalapit kase palagi ko raw kasama si Tyson. Kala niya daw. Boyfriend ko sya. Kaya nung nakita niyang nagiisa akong pauwi nilakasan na niya ang loob niya at nilapitan niya ako. Di ko alam kung bakit ganun siya. May ganda din pala ako.
So?! Yeah! Nag lakad ako pauwi ng mas marami pang iniisip at bumabagabag saken .. Hanggang sa pagtulog ko.
BINABASA MO ANG
letters from the broken one.
Storie d'amorelet's discover love and the perks of being a broken one together in this wonderful book I wrote. chos! XD haha! pero please basahin niyo po! :D