Chrisostomo Havier D.

14 1 0
                                    

...... ..... ...... ....

"Hi?" Sender :092******** 4:32 pm

Hello? Sender : 092******** 4:41 pm

Si Ana ba talaga to? Sender : 092******** 5:00 pm

Di ko ako nagtext back. Alam ko eto yung sa P.E. wala lang talaga ako sa mood. Mas lalo na ng gawa nung panaginip ko. At ayaw ko din naman syang umasa pero magulo pa kase ang isip ko.


"Waahhh! Ano bang pinagiisip ko. Motibo agad? Manliligaw agad? Malay mo di ka pala type Ana, ano bang klaseng imagination yan" "Pero, lalaki yan diba? mangungulit ba yan kung di ka nya type? ewa ko ba! bahala na!"


.......................


Ringgggg! Ringgggg!

"Yung number nanaman na yun.."

"Hello? Sino po sila?" Sagot ko. Kahit alam ko naman talaga kung sino yun.

"Chrisostomo Havier Dominguez po. Yung sa P.E. class."

"ahhh.." tut.. tut.. tut...


"Pagkakataon nga naman ohh.. hahah! lowbat pa! Niligtas ako ng kung ano mang pwersa sa mundo na wag munang makipagusap sa tao. woohh!" sigaw ko sa sarili ko.

Kaya nahiga na lang ako. nag-isip, nag-isip... nag-isip... hanggang sa makatulog na ako..


At nagising naman ako ng pagkaaga-aga. kaya pumasok na lang din ako ng maaga kesa tumunganga sa bahay.


"Ana! Ana!!" sigaw sa malayo ng boses na pamilyar.. "Dito Ana! Si Chris to."


Nilapitan ko naman yung tao dahil ayoko naman siyang mapahiya.


"Anong nangyare sayo kagabe?" Tanong niya.

"Ahh.. wala naman. Nag lowbat phone ko, di na ako nakapagcharge din agad kase pagod na pagod na ako nun. sorry ha?" sagot ko naman.

"Ahh. Hindi okay lang yun" sagot niya habang naglalakad kami patungong kung saan. "May klase ka na ba? Gusto mo doon muna tayo sa canteen. libre kita. tara!"

"Wala pa naman, hindi ba nakakahiya?" sagot ko naman.

"Hindi sige na, Gusto kitang makilala"


Pumayag naman ako. Tutal wala rin naman akong gagawin, wala rin naman akong mapupuntahan. kaya ayun. kwentuhan kami. nakakatawa din pala siya. plus cute din. haha! sobrang nakakatawa talaga.


Para ngang matagal na kaming close. Parang sampung libong beses na kaming nagusap. Nahuli niya agad mga kiliti ko. di ko alam kung bakit nga ba binabaliwala ko siya nung una. bakit nga ba? wala na akong maalala.


At dahil nga sobrang komportable na kami sa isa't isa. At halakhak kame ng halakhak. Di ko na namalayan ang oras. muntik na akong malate sa 1st subject ko. sa dulong building pa naman yun.


At madalas na kaming magbonding ni Chris. dahil nga duon. tsaka pinakilala ko din siya kay Tyson. tuwang tuwa nga siya saken dahil marunong na daw pala ako ulit umibig. kahit di pa naman yun pagibig.


at yun madalas ko na siyang kasama. maaga na akong laging pumasok at late na umuwi dahil nga sakanya. minsan kasama namin si Tyson. minsan kami lang dalawa. pero hindi kailanmang magisa ako. hindi na. at ganito pala yung feeling na di ka na nasasaktan. komporatable ka na. wala ka ng iniisip..


letters from the broken one.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon