Kabanata 2

10.7K 335 162
                                    

Hello, hope you are all doing well! Here's another update. You may comment down your thoughts about this chapter or the story. Happy reading, enjoy. ❤️

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 2
''Name''

''Magpapahangin lang ako sa labas.'' Iyon lamang ang nasabi ko kay Jakob bago umalis na rin sa hapagkainan pagkatapos naming kumain.

Muli akong lumabas. Nagpasalamat na lang na hindi sinundan ni Javier o Jakob. They can be very persistent if they want to. I just want to breathe a little while.

Marami akong nakitang tao na abala sa kani-kanilang ginagawa. Hindi nila ako masyadong napansin kaya malaya akong nakapaglakad-lakad. The sky's already getting darker than it already is. Ang hangin ay malamig hudyat na malapit nang umulan. Umambon kanina, madilim ang kalangitan ngayon, kaya sigurado akong uulan mamaya. But I couldn't get myself to stop walking.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang napagtantong halos kalahating oras na akong naglalakad. Natigil lamang nang nasa tapat na ako ng lugar kung saan marami na ang puno. Bumaling ako sa mansyon, nakita kong medyo malayo na ito sa kinalalagyan ko. Kinalaunan ay muli akong tumitig sa kakahuyan sa aking harap. Hindi naman siguro ako maliligaw kapag pumasok ako dito? It looks like it isn't that deep anyway.

Pumasok na ako bago pa makapagdalawang-isip. I want to see more of the things beyond this land.

I was right when I concluded that it isn't a big and deep forest-like place. Hindi naman siya iyong tipo ng kagubatan na masukal at maaring maraming mababangis na hayop. Masyado lang maraming puno. And that alone gives it a relaxing and refreshing vibe. Ang simoy ng hangin at huni ng mga ibon na aking naririnig ay tila nagpakalma rin sa aking sistema. I could even hear the sound of flowing water near the area, which confused me a bit.

I noticed the trail marks on the ground, so I followed it. Para bang marami ang taong madalas na pumupunta dito base na rin sa bakas ng mga paa.

My lips parted in astonishment when I realized where the marks took me. It took me in front of a very beautiful flowing body of water!

Hindi makapaniwala akong lumapit dito. The water is so crystal-like that I could even see my own reflection clearly. Dumungko ako at dinama ang tubig gamit ang kamay. Malamig iyon at napaka-ginhawa sa pakiramdam.

Hinubad ko ang aking suot na sapatos. Itinabi ko iyon sa punong malapit lamang. Lumapit akong muli sa tubig at binabad ko ang aking mga paa. Napangiti ako nang maramdaman ang lamig ng tubig. The maroon rompers I'm wearing fall to my upper thigh, kaya sigurado akong 'di mababasa ang damit ko.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, to survey the place. Sa kabilang dako ay maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang nakatanim. Mas lalo akong namagha. This place is beyond beautiful! Is this still part of the De Leon's land? Kung dala ko lang sana ang camera ko ay puno na iyon ng larawan nitong lugar. It was a peaceful moment.

Only that, my little happiness immediately faded, making my heart raced, when I suddenly heard thumps on the ground. Ang tunog nang papalapit na kabayo, sumabay sa ritmo ng tibok ng puso ko. May rahas at pagmamadali.

Bigla kong naisip si Jakob o si Javier. Javier is the one who likes riding horses. Sinundan niya ba ako? Halos isang oras na rin siguro akong nawawala. Baka nag-aalala na sila sa'kin. I sighed in relief. Thank God, he's here to pick me up because I think it's going to rain heavily. I can feel tiny rain drops against my skin.

Mariin akong napapikit nang humampas ang malakas na ihip ng hangin. Sumabog sa aking mukha ang may kahabaan kong buhok. Akala ko iyon lang ang ipag-aalala ko. Pero napasinghap ako nang maramdamang medyo rumarami na ang patak ng ulan.

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon