Kabanata 1

18.5K 364 120
                                        

Happy New Year, everyone! May all the happiness and best things in life come your way this year! Thank you so much for reading my stories. Hope you'll continue to support me until the last chapters of my new stories. Lovelots. ❤️

Happy reading, enjoy.

+ + +
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 1
''De Leon''

Ang hacienda na pag-aari ng mga Montecarlo. The enemy's property. Ang itinuturing na mortal na kaaway ng mga De Leon.

Bakit ko nga ba makakalimutan? It was also well-known in Manila. The feud between the De Leons and Montecarlos, along with the Sarmientos.

''Hanggang ngayon?'' Mula sa maaliwalas na tanawin ay inilipat ko ang tingin kay Kael. ''Hanggang ngayon magka-away pa rin?''

''Habang buhay na siguro.'' he said, chuckling softly after.

Umawang ang labi ko. Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang angkan. Na hanggang ngayon magka-away pa rin ang turing sa isa't-isa. Siguro nga tama si Kael, habang buhay na sigurong may hidwaan sa pagitan ng dalawa.

''Sa tagal ko dito isa lang ang nalaman ko tungkol sa mga De Leon.'' Bumaling siya sa'kin. Seriousness was written all over his face. ''Hindi nakakalimot ang isang De Leon. Maaring magpatawad pero hindi nakakalimot.''

I stayed silent.

Hindi dahil sa walang pakialam, kung hindi dahil 'di ko naman alam ang lahat, at hindi ko rin masyadong napagtuunan nang pansin iyon. I just know that there has been a feud between the three families in the region, the De Leons, the Montecarlos, along with the Sarmientos. And that it somehow started with our ancestor. Pero hindi ko gaano kaalam ang lahat ng detalye at mga mga malalalim pang impormasyon.

Siguro na rin ay dahil sa Maynila kami namuhay, malayo sa lahat. Dito man ako ipinanganak, pero hindi lumaki dito. May mga araw lamang na bumibisita kami noong bata pa ako pero panandalian iyon. Ang alam ko ay hindi palaging nakakasama si Papa kaya hindi rin kami pwedeng magtagal dito. Dalawa o tatlong araw lamang at minsa'y sa isang taon ay wala. Kung noong bata ako ay sobrang dalang na, lalo na noong magdalaga, wala na talaga. Kaya halos wala rin akong ala-ala sa lugar na ito.

Napagpasyahan naming pumasok na sa mansyon nang maramdaman ang pag-ambon. But before we could even finally step in, we heard the galloping of a horse. Ang bawat talon ng kabayo sa lupa ang tanging naririnig sa mapayapang paligid. Inilibot ko ang tingin, hinahanap ang pinagmulan ng ingay.

Malawak akong napangiti nang makita ang isang pamilyar na lalaki habang sakay ng kabayo. Bumaling siya sa kinatatayuan namin bago expertong bumaba sa kabayong sinasakyan. Sandali niyang kinausap ang isang tauhan bago tumakbo papalapit.

''Georgianna!''

My lips stretched more for a smile. ''Javier!''

Isang mainit na yakap ang sumalubong sa'kin. Marahan akong natawa nang halos inikot niya pa ako. Napasimangot nga lang nang mapansin na parang ang liit-liit ko kumapara sa kanya. He can easily squeeze me against him with just a snap.

''Javier, I can't breathe anymore!'' natatawang daing ko, marahang hinahampas ang kanyang likod.

''When did you arrive?'' tanong niya nang humiwalay sa yakap. He eyed me sharply. ''You should've told me. Ako na sana mismo ang sumundo sainyo.''

Among my cousins, I am the closest to Javier and Jakob. At si Javier, hindi man ako madalas dito pero lagi niya akong binibisita sa Maynila. My mother and his father are siblings and we have the same direct grandfather, Juan Francisco de Leon. While our other cousins are the direct grandchildren of our other Lolo, Juan Antonio de Leon.

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon