Kabanata 3

13.2K 327 23
                                        

Happy reading, enjoy! ❤️

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 3
''Trouble''

Guilt crept inside me when I saw the little commotion happening in front of the mansion. Mukhang lahat ay abala at hindi alam ang gagawin.

Kahit malayo palang ay kita ko na agad ang nag-aalalang mukha ni Mama. Inilibot ko ang paningin, natigilan ako nang makita si Javier na mukhang galit habang may mga kinakausap, katulad ko ay basang basa rin siya.

''Si Miss Anya!''

I stilled when all of them turned their head to my way. Nakita ko kung paano nakahinga nang maluwag si Javier. Nakita ko rin kung paano mas nagumapaw ang pag-aalala ni Mama.

''Georgianna!'' She shouted worriedly. May dala dala siyang isang tuwalya habang tumatakbo palapit sa'kin. ''Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin pinaghahahanap!''

''I- uh...'' Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin. ''I-I was just wandering around. Naabutan na po ako ng ulan-''

''Hindi ba sinabi ko naman sayong wag kang aalis nang hindi kasama si Kael, o kahit isa sa mga pinsan mo sana!'' Naramdaman ko ang pag pulupot ng tuwalya sa aking nanlalamig na katawan. Kasabay nang mahigpit at mainit niyang yakap. ''Nagalala kaming lahat! Akala namin kung napano ka na.''

''I'm sorry, Mama.'' mahina kong bulong.

Lumihis ang tingin ko sa likod ni Mama. Javier's sharp eyes darted at me. He looked mad and worried, too.

''I'm sorry, Javier.''

''Don't worry about it anymore. As long as you're fine.'' Napalabi ako nang haplusin ni Mama ang aking mukha. ''Tinakot mo kaming lahat. Saan ka ba galing?''

Lumingon ako sa lugar na pinanggalingan. Hindi niya ako hinayang umalis hanggat hindi tumitila ang ulan kaya mas lalo akong natagalan sa pag-uwi. Mas lalo rin kaming nabasa ng ulan. Mas lalo akong nilamig at dahil doon mas lalo siyang lumapit, kinakain ang distansya sa pagitan naming dalawa na kulang na lang yakapin ako noon!

''Maligo ka muna para 'di ka magkasakit. Ipapahanda ko na ang pampaligo mo.'' si Mama.

Tumango ako at sumunod na lamang papasok sa bahay. May mga tinawag si Mama at inutusan na agad namang sinunod. I noticed that even inside the mansion, there was somehow a commotion.

''Javier, magpapahinga muna si Georgianna. Maraming salamat sa tulong.''

''No problem, Tita.'' Javier said, before giving me his attention again. ''Don't go wandering alone next time, alright?''

I pursed my lips before nodding again.

Umakyat kami sa magarbong hagdanan at pumasok sa isang kwarto. Una kong napansin ay kung gaano ito kalawak. Pero sa sobrang bilis, hindi ko na masyadong nailibot pa ang tingin dahil hinila na agad ako ni Mama papunta sa banyo. But even the bathroom, the first thing I noticed is how spacious it was. Siguro mas malaki pa ang banyo'ng ito kaysa sa mismong kwarto ko sa Maynila.

''Bumaba ka agad pagkatapos mo.'' ani Mama, pagkatapos nang mahabang sermon at mga bilin niya.

I nodded my head.

Maya-maya ay iniwan rin agad ako. I removed all of my clothes that were drenched in water before finally stepping inside the tub. I sighed in relaxation when I felt its warmth. Nawala ang lamig na naramdaman ko dahil sa tubig ulan.

I played with the bubbles in the tub. Kung wala siguro itong mga bula ay kitang-kita ang hubad kong katawan. But it isn't just warm water and bubbles, may kung ano-ano pa, and I can smell an expensive scent too. I had never experienced a bath like this before. We don't have these things in our home back in Manila. Nakakapanibago.

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon