Kabanata 10

12.8K 398 117
                                        

Hello, Sunday!
Happy reading, enjoy! ❤️

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 10
''Honesty''

Sa ikalawang Sabado ay nandito ulit kami kina Lukas. I somehow got to meet them more this time, too. After last Saturday, madalas ko na silang nakakausap kahit sa ibang klase namin. Parati nga lang may sariling mundo si Peter at Rona.

''Anya!'' Terrence waved his hand.

I waved my hand, and went out of the car. Mukhang nasa loob na ang iba. At hinintay lang ako ni Terrence dito sa may hardin.

''Sorry, medyo late ako. May mga bisita kasi si Lolo sa bahay.''

''Okay lang! Ano ka ba? Maaga pa naman.'' aniya. He stretched his hand to me to get my things. ''Ako na magbibitbit ng gamit mo.''

''Hindi magaan lang 'to. Ako na.''

''Sige...''

Nasulyapan ko si Senyora sa may bulwagan na pinagmamasdan kami. Ngumiti ako at magalang na bumati. Inaya ko na si Terrence na umakyat. Sumunod naman siya.

''Senyora padala po ni Mama.'' sabi ko at inilahad ang alak na galing sa distillery ng mga De Leon.

She smiled warmly at me as she took the bottle. ''Naku, hindi ka na sana nagabala, Anya! Pero maraming salamat!''

Despite the issues between our families, I was welcomed here warmly. Nag-alala nga si Kael na baka raw iba ang trato nila sa'kin dahil apo ako ni Juan Francisco, pero wala namang ganoon na nangyari.

I even noticed how Senyora was too kind to me. If we weren't busy, she would call for me, to just tour me around her grand mansion. She would talk and entertain me with funny stories, too. Minsan ay inaaya niya rin ako para mag-tsaa. And during those times, she was nothing but kind to me.

Hindi na kami nakapagkwentuhan pa ni Senyora dahil dumating si Lukas at sinundo na kami.

They have a big library here in their house. Doon kami namamalagi kapag tungkol sa group work na ginagawa. Buong hapon lang kami dito at umuuwi rin bago magdilim.

Sobrang ganda rin at mukhang makaluma tingnan pero iyong tipong alam mong yayamanin. Because aside from the numerous huge bookshelves, carpeted floor, there's a fireplace too in front of the mini living room here, a chandelier, and the fact that it's a two-storey library. It's a place almost like a paradise for someone who loves books.

We took a break after almost three hours of doing what we needed. At kapag break namin ay doon lang kami pwede gumawa ng kung anong gusto namin. They are all serious in their studies, kaya pati ako mas sineryoso pa iyon.

Lumapit si Terrence sa inuupuan kong leather sofa. He has something on his hand which made me curious.

''Anya, nakatikim ka na ba ng Timitim?''

Umiling ako. ''No, not yet. What's that?''

''Ah, it's a local delicacy here. Gawa to ni Mama.'' aniya at binuksan iyong pabilog na hawak niya. I saw a clear to white food that looked like a rice cake. ''It's a mixture of grated cassava, brown sugar, eggs, milk and coconut milk.''

Tumango-tango lang ako habang piapaliwanag niya. He took one and handed it to me.

''Try it. Tell me if you like it.'' he urged.

Kukunin ko na sana pero hindi niya iyon binitawan at nilapit lang sa bibig ko. Kumagat na lamang ako dahil ayaw niya ngang ibigay sa'kin. Terrence smiled at me after my bite.

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon