Kabanata 4

9.9K 319 77
                                    

Hello, hope you are all doing well! Here's another update. You may comment down your thoughts about this chapter or the story. Happy reading, enjoy!

Lots of love.❤️

+++++

ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 4
''Property''

Days passed by like a wind. It has already been a week or so since we arrived here. I couldn't leave the house. Gusto ko mang lumabas ay hindi ko rin gustong abalahin ang kung sino man. I cannot go out of our premises without someone. Pero unti-unti naman na akong napapagayagan pagkalipas nang ilang araw pa.

Javier isn't here, he is in Manila. But he promised to take me out once he's back. Linggo-linggo nga ata talaga siyang umuuwi para sa distillery.

But since I was so bored, heto at muli akong nasa harap nang napakagandang tanawin na una kong nakita sa lugar na ito. Nagpaalam rin naman ako kay Mama na maglilibot-libot muna sa lupaing ito. I'm still within De Leon's land so she said it's fine.

Looking at the fresh flowing water... it seems like it's calling me. Luminga ako sa paligid at nang makitang walang tao doon bukod sa akin, hinubad ko ang aking pantaas na damit. I was left with my white bikini top and short shorts.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagmadaling lumusong sa tubig. I shivered at the coldness of the water, but it was so relaxing to be bothered about it. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nagbabad doon. Basta alam kong matagal na dahil nakikita na ang ebidensya sa aking mga daliri. My fingers are starting to have wrinkles. But I just can't let myself go out of the water.

I tried to float once again. Ilang beses ko nang ginagawa iyon. I know how to swim... a little bit. Pero hindi pa ako eksperto. Kailangan abot lang ng paa ko ang lupa dahil ilang minuto lang ang tinatagal ko kung nasa malalim akong parte.

Kitang-kita ko ang maaliwalas na kalangitan, ang mga ulap, at mga matatayog na puno. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ako masyadong naiinitan. Sumisilip lamang ang liwanang kaya napakagandang tingnan.

My attention got caught by some movements. May mga nagsiliparang ibon sa aking gilid ay napalingon na ako doon. Halos atakihin nga lang sa puso nang makita ang isang pamilyar na tao. His arms were crossed under his chest while he was leaning on a tree. His eyes were intensely staring at me, dark, menacing, and a bit brooding.

Umawang ang labi ko sa gulat at pagkalito. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya doon bago muling bumalik sa aking mga mata. I saw how he bit his lower lip a bit before he gave me a smirk.

My chest heaved. Agad akong bumagsak sa tubig, para maharap siya nang maayos.

''W-what are you doing here?''

This is the man I saw last time. The arrogant Montecarlo. Siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang mapanganib niya palang na tingin, alam ko nang siya iyon.

Bakit siya nandito? Kanina pa ba siya o halos ngayon lang din? Ni hindi ko siya napansin. Was he looking at me the whole time while I was on the water? I doubt that though. At kung tinitingnan niya man ako ay paniguradong dahil alam niyang kaaway ako.

''Looking over at my property.'' he answered cockily. ''Am I not allowed?''

Ngumiwi ako. Still arrogant, as arrogant as the first time I met him. Anong akala niya sa'kin magnanakaw? At ano naman ang pwede kong kunin sa lupain nila? Lupa, tubig, bato, o halaman? Jesus!

''Hindi ko naman kukunin ang pag-aari niyo... mo.'' I tilted my head to the side, rolling my eyes. ''So you don't have to guard over your precious property.''

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon