Kabanata 11

12.1K 377 113
                                        

Hectic week, drained and beyond exhausted... needs some rest. For those who are feeling the same, laban lang! And hope this update will make your day a bit brighter somehow. ❤️

You may comment down your thoughts about this chapter or the story. Happy reading, enjoy!

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 11
''Help''

''Anya,'' tawag ni Rona.

Naingat ko ang tingin. Medyo nakita ko ang pag-aalinlangan niyang lumapit pero ngumiti pa din.

''Maayos na ba pakiramdam mo? Makakasama ka na kaya mamaya?''

Sasagot sana ako sa una niyang tanong pero nagtaka ako sa pangalawa, kaya iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.

''Huh? Saan?''

She chuckled awkwardly. ''Ano... araw-araw kami kina Lukas, tuwing uwian, dahil tinatapos na rin iyong mga gagawin. Pero naiintindihan naman namin, at sanabi din ni Lukas na hayaan ka lang muna dahil nga absent ka ng ilang araw.''

Nanlaki ang mga mata ko at medyo nahiya. Araw-araw sila sa paggawa pero wala ako... and it's already Friday.

''Sorry! Sorry...'' I mumbled repeatedly.

''Naku, huy, okay lang!''

''Hindi, kakausapin ko si Lukas.''

Tumango lamang siya at ngumiti. Pagkatapos ay bumalik rin sa upuan. Ilang sandali rin ay dumating na si Lukas at Terrence. They both smiled at me instantly. At naupo rin agad. Lukas sat beside me.

''Lukas, hindi mo nasabi sa'kin na ginagawa niyo pala iyong group work... sorry, gagawin ko ang mga hindi ko nagawa...''

''Okay lang, Anya. It's understandable. You don't have to worry about anything.''

I bit my lip, still feeling a bit guilty. ''Sa bahay niyo ulit ba... mamaya?''

''Yeah, but you don't have to come.''

''H-hindi.'' agap ko. ''Sasama ako...''

He eyed me intently. ''Are you sure?''

I shifted on my seat, tapping my desk. I glanced at Lukas, who still didn't leave his eyes at me. The way he stares at me intently, as if he's searching for my deepest secrets, reminded me of someone... his brother to be exact.

Huminga ako nang malalim kahit medyo kinabahan. ''Uh, sino ang mga nasa inyo ngayon?''

''Bukod sa mga kasambahay at tauhan, kami lang ni Lola.'' aniya, nanatili ang titig. ''Nandito si Kuya noong Sabado pa, pero lumuwas din ng Maynila kahapon. Kapag ganon ay sa susunod na linggo na siya uuwi ulit.''

I sighed in relief and eventually nodded.

''Sige, sasama ako mamaya. Magpapaalam lang ako sa'min.''

Pagtapos nga ng klase namin sa hapon ay tumungo na kami sa kanila. Lukas has a car at nagkasya naman kaming lima. Tumawag na rin ako sa bahay na gagabihin sa pag-uwi dahil may tinatapos na gawain. Tumawag rin ako kay Papa. Nandito pa kasi siya sa Santa Monica, sa hotel lang nananatili.

Wala si Senyora kaya agad din kaming dumiretso sa library nila. We only took a few minutes break before we started to do our work. We all have the list of the things we need to do. At bawat isa sa amin ay may nakaatas rin kung ano ang gagawin para sa grupo. Nakalagay ang bawat papel namin sa corkboard na nasa dingding.

I took mine and scanned them but my eyebrows knotted when I saw that most of the tasks assigned for me have already checked marks. Sa ilan pang gagawin ko, isa na lang ang natira at iyong pinakamadali pa.

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon