Kabanata 21

13K 389 74
                                        

Hello, it's been a while! Sobrang abala sa outside world, at abala sa VM. Hehe. I hope you're all doing great! And thank you for waiting patiently. Happy reading, enjoy! ❤️

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 21
''Attention''

My head is down and my hand is almost covering my face, like I'm blocking the sunlight, as I passed by the grand living room. I was so nervous, pakiramdam ko titig na titig sa'kin ang lahat nang naroon. I bit my lip hard when I heard a soft whistle that was abruptly cut and a loud groan followed it.

Paano kapag nakita din ng pamilya ni Carlos ang paglabas niya sa pasilyo kung saan ako galing? Ano ang sasabihin o magiging reaksyon nila? Mas lalo akong kinabahan pero bahala na siya doon!

Dali-dali na lamang akong bumama patungo sa garden. Medyo natapilok pa ako nang kaunti at muntik pang madapa, mabuti na lamang ay agad kong nabalanse ang sarili.

Sa kaba at takot pa rin siguro ay halos mapatili nang may taong nakikabit sa braso ko. I sighed heavily in relief when I saw that it was just Solenn.

''Where have you been?'' tanong niya, halatang nagpa-panic din. ''Kanina ka pa hinahanap nina Lolo. Ang sabi ko ay sinamahan kita sa banyo dahil sumakit ang tiyan mo.''

''Sorry . . . and thank you.''

''Don't worry, I told you I got your back.'' She smiled. ''Anyway, sakto din ata ang dahilan ko dahil mukha kang constipated.''

Natawa na lang rin ako sa sinabi niya. We went back to our table and I was immediately asked the same question by my family. Mukhang tama si Solenn. I probably look pale and constipated that my mother got really worried. Maybe because I was somehow sweating too, but this is definitely not because of a stomachache.

''S-sumakit lang po ang tiyan ko,'' sabi ko at napalunok dahil medyo nahihiya rin sa dahilan. ''Pero maayos na ako, Mama.''

Hindi naniwala si Mama at nag-aalala pa rin kaya gusto na niyang umuwi kami, at para makapagpahinga na rin daw ako. Wala na rin naman akong ibang gagawin sa party na iyon, at hindi ko na ata kayang magtagal pa doon kaya hindi na rin ako umalma pa sa naging desisyon ni Mama.

Palabas na kami sa hardin nang namataan ko naman si Carlos, na mukhang papasok pa lang. His eyebrows were knotted and his eyes followed my movement.

''Uuwi na,'' I mouthed at him.

I got no reaction from him, he just watched me with his tantalizing eyes. Tinaas ko na lamang din ang kamay at pasimpleng kumaway. Pero agad din akong tumalikod sa kanya dahil baka mahalata nina Lolo.

Mabilis ring kaming nakauwi sa bahay. Medyo matagal ang pagbihis at pagtanggal ko ng make-up. I took a bath too to freshen up.

I was already settled on my bed when I decided to check my phone. I saw one text from Carlos, kanina pa ang oras noon. When I opened our message thread, I instantly felt bad. This is the first time I will reply to him after ignoring him for weeks. I'm just glad that we were somehow able to talk already.

Lorenzo:

Did you get home safe?

I can't help not to chuckle at his message. Akala mo naman ang layo-layo ng bahay nila sa'min. Magkatabi lang ang lupain ng dalawa. Pero sabagay medyo malayo rin dahil malawak ang pagitan.

Ako:

Yup. I'm already on my bed.

His response was fast. Kaka-send ko pa lang at hindi pa lumipas ang isang minuto ay may reply na siya. Sobrang bilis pala ng signal dito sa Santa Monica, ah?

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon