Kabanata 15

13.9K 406 114
                                        

Hello!
Happy reading, enjoy! ❤️

+++++
ENEMY'S PROPERTY
Kabanata 15
''Call''

Mabilis ang oras kapag masaya ka. Tila ba ilang sandali lang kami doon sa talon pero halos palubog na ang araw kaya kinailangan na ring umuwi pagkatapos magpatuyo. At sympre, kung saang kotse ako unang sumakay, doon pa rin ako noong pauwi. Si Carlos pa mismo ang humila sa'kin! The audacity of this man, really.

''Save your number on my phone.'' I heard him say.

Nilingon ko ang gawi niya at nakitang inaabot niya ang isang itim na cellphone. He glanced at me with furrowed eyebrows when I did not get it from his hand.

''We are not in a relationship.'' I mouthed at him.

I only mouthed it, lalo na't nasa likod lamang si Heidi at nagpapanggap na tulog. Nakasandal siya sa kanyang upuan at nakapikit. Pero napagtanto kong nagpapanggap lamang dahil minsan kong naabutang bukas ang kanyang mga mata tuwing sinisilip ko siya sa salamin. She's probably just pretending to be asleep so it wouldn't be awkward for me and her cousin, if ever we will talk again.

''We are not, not yet.'' Carlos scoffed. Nakita ko rin ang pagtiim ng kanyang bagang. ''I just need your number. I needed to send you a file. I think I did something wrong in one of those documents I gave you. I will text you later if it's already available for you to review. Okay na ba?''

I was mimicking his words with just my lips when he glanced again. Napaayos ako nang upo at iritadong kinuha ang cellphone niya. I noticed how default it was. There isn't a password either, so I was able to control and tap some things on it.

I saved my number as per the request of his royal highness, Carlos Lorenzo Montecarlo!

I gave it back to him after. Ilang sandali lamang ay tumunog naman ang cellphone ko. I searched for it inside my tote bag and saw an unknown number calling me.

''That's me.'' ani Carlos. ''I'm just checking if you indeed saved your number.''

I rolled my eyes at him.

We were back at their mansion. Nagbihis naman kami ng bagong damit kanina. I changed my top, too. May dala naman akong isang t-shirt. But Senyora offered that we can take a shower in the guest rooms to freshen ourselves. Kahit ako ay gugustuhin ring maligo. And I need to wear the dress I wore this morning. Baka magtaka ang mga tao sa bahay kung bakit biglang bago ang damit ko.

Si Heidi ay inaya ulit ako sa kanyang kwarto. Nandoon din ang damit ko kaya sa kanya na lang rin ako sumama. But I was just few steps on the stairs when I felt someone touched my arm.

His royal highness, Carlos Lorenzo.

Sinulyapan ko lang si Heidi na hindi huminto sa pag akyat ng hagdanan bago ko ibinigay ang buong atensyon kay Carlos. Lalo na't naramdaman ko ang pagdausdos nang hawak niya mula sa aking braso pababa sa aking palad.

''Bakit?''

''Saan ka maliligo?'' tanong niya. ''Huwag ka nang sumama sa mga kaklase mo. You can use my room.''

Umawang ang labi ko. Nahampas ko siya sa braso dahil nabigla sa kanyang sinabi. Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakamasid si Senyora sa malayo!

Nang maabutan akong nakatingin ay agad siyang tumitig sa dingding na tila ba may kamangha-mangha doon kahit wala namang nakalagay. Uminit ang pisngi ko nang mapagtantong nakita niya ang nagawa ko. Nahampas ko lang naman ang pinakamamahal na apo ni Senyora Montecarlo!

''S-sa k-kwarto ako ni Heidi!'' mariin kong bulong bago tuluyang umakyat sa ikalawang palapag.

Mauna akong pinaligo ni Heidi. When I was done, I noticed that my dress was already washed and even ironed. Heidi explained that she asked for it to be washed since I might use it again when I go home. I didn't know she was this thoughtful too.

ENEMY'S PROPERTY | ES:2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon