ENEMY'S PROPERTY
SIMULAIsang malalim na buntong hininga ang lumabas sa aking bibig habang ang tingin ay nakatuon sa labas ng bintana. Animo'y kisap lamang sa aking mga mata ang mga bahay, kotse, puno, na nadaanan ng sinasakyan naming bus.
Tulad ng aking buhay, ang mga masasaya't malulungkot na araw ay animo'y tinatangay ng malakas na hangin sa sobrang bilis nang paglipas ng panahon. It's like my life has already flashed before my eyes. Hindi ko matandaan kung mas marami ba ang masasayang araw ko kaysa sa malulungkot. Dahil pakiramdam ko unti-unti ang mga araw na nagdaan ay parang isang pangkaraniwan na araw na lamang.
Same routine and happenings everyday. I feel like I'm a machine. Ginagawa ang isang bahay nang walang buhay. Ginagawa ang isang bagay dahil iyon na ang nakagawian. Sumusunod sa lahat. Minsan nakakapanghina na. Pero kahit ganon, hindi naman iyon naging dahilan para sukuan ko ang aking buhay.
Minsan nga lang ay hindi ko maiwasang hindi humiling na sana may magbago. I badly want some changes... but somehow I'm also afraid of what kind of changes that will come into my life. I'm scared too because I don't know if I can or would be able to take it, if one day everything in my life will change.
Pero hindi ko nga lang alam na sa araw palang ito, tuluyang magbabago ang aking buhay.
''Georgianna,''
Isang pisil sa kamay ang nagpabalik sa aking ulirat. Mula sa labas ay bumaling ako sa aking katabi.
Her beauty stands out from the rest despite being stressed for years. Ang mala-nyebe nitong kutis ay hindi nagbago. Kahit may kaedadan na ay mukha pa ring bata. Ang ganda niya'y hindi nga naglaho sa paglipas ng mga taon, pero kitang-kita ko ang sobrang kalungkutan sa kanyang mga mata. Magkamuhang-magkamuha kami kaya mas madalas na napapagkamalan lamang kaming magkapatid.
I smiled to assure her that everything will be fine... kahit ang totoo, ako mismo ay hindi rin sigurado.
''I'm sorry,'' she uttered softly.
Nangilid ang kanyang mga luha at nanginig ang kanyang boses. My heart clenched at the sight of her.
''Tama ang Lolo mo,'' rinig ang pagsisisi sa kanyang boses sa kung anong bagay. ''Kung nakinig ako sa kanya noon pa man, hindi na sana kayo nakaranas ng hirap ni Eli ngayon.''
Marahan kong pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. It saddens me to see my own mother crying. Ang isa sa pinaka-ayoko ay makita siyang umiiyak. Parang nabibiyak ang puso ko. At alam ko, kahit hindi niya sabihin alam kong gabi-gabi siyang umiiyak.
''It's okay, Mama. Naiintindihan ko po.'' bulong ko. Hinaplos ko rin ang ulo ng batang tulog sa kanyang kandungan. ''At alam kong maiintindihan rin ito ni Eli 'pag laki niya.''
''I pray that everything will be alright now.'' ani Mama, na tila ba mas kinukumbinsi ang sarili.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Sana nga. Sana nga maging maayos na ang lahat. Whatever might be happening in our family, I hope that eventually, it will all be alright.
A white SUV waited for us at the bus terminal. Gaya na rin nang sabi ni Mama bago kami umalis ng Maynila ay may susundo sa aming tauhan ng aking Lolo.
I glanced at my mother again as we walked side by side. I'm glad that she had already recovered from crying.
''Ma'am Cattleya!'' sigaw ng isang lalaki.
Pareho kaming napalingon ni Mama sa taong sumigaw. It's a man, who looks like in his late fifties. May malaking ngiti ito sa labi habang kumakaway sa'min. Nilingon ko muli ang aking ina para magtanong. But when I saw the recognition in her face, it already gave me the answer to my question.
BINABASA MO ANG
ENEMY'S PROPERTY | ES:2
RomanceWARNING: Mature Content | R18 (Enemies Series 2) Carlos Lorenzo Montecarlo is a ruthless, wealthy, and powerful man. Aside from his striking and jaw-dropping appearance, he is also a Montecarlo, which means he is at the top of the chain. However, fo...