Feelings For Her

883 32 0
                                    

Kiefer's POV

I'm here at my house sending my report to Rey . By the way , nasabi sa akin ni Von na tumawag siya sa landline ng office ko at nirecord naman ni Von ang mga sinabi niya . Nang marinig ko yung mga sinabi niya , nakonsensya ako . Pero hindi ko pa siya kayang harapin ngayon , hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko . Masasabi ko rin na wala akong mukhang maihaharap sa kanya . Nang marinig ko naman ang sinabi niya na nagpunta na siya kay Alfred at para ipakilala ako ay biglang napanatag na ang loob ko na maaari naming ituloy kung ano man ang meron kami ni Alyssa noon . Pero wala naman akong maisip na paraan at kung papaano ako makakaisip ng tamang tyempo na makipag-usap sa kanya .

Napanaginipan ko ng isang araw ay hinalikan ko si Alyssa pero hindi ko alam kung anong okasyon ang nangyari sa panaginip kong yun . Mukha namang bati kami nun at masayang masaya . Natuloy ang naudlot naming pagmamahalan nun . Pero ng magising ako sa katotohanan , tila nilalamon ng konsensya ko ang sarili ko . Siya na nga ang tinadhana sa akin . Maski naman ng sinundan ko siya dun sa puntod ng dati niyang asawa ay nakonsensya rin ako . Hindi nga kaya ng puso ko na maalis siya sa paningin ko .

1 Message Received

I open my phone to read the message .

From : Alyssa Valdez

Good Afternoon . I just wanna say pwede mo ng makita yung painting . Tapos na.

Nang mabasa ko yun , para bang nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob para pumunta sa kanya . Kahit na ang sadya ko lang naman ay yung painting hindi siya . Pero kahit na anong gáwin ko ay makakaharap ko pa rin siya , syempre dahil siya yung nagpaint at talaga namang nag-effort . Kahit na bayad utang lang yung pagpaint niya sa akin ay alam ko naman na andun pa rin ang utang na loob niya sa akin . Syempre hindi yun mawawala .

Nagbihis na kaagad ako ng maong short at polo na checkerd na blue at nike na walking shoes lang at tsaka diretso na kaagad ako sa Car ko . Weird at awkward man ang kilos ko ngayon basta ang gusto ko lang makita ang painting . Yun at yun lang.

Red Roses For A Blue LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon