Third Person's POV
The next day , matapos kagabi ang pangungulit ni Kiefer kay Alyssa . Sinimulan naman ni Alyssa ang umaga ng paglilinis ng bahay . Walis , Lampaso , Pagpupunas ng mga picture frames at mga vases at iba pa , Floorwax naman , Pag-ayos ng kanyang kama , at pagluto ng kanyang magiging tanghalian .
Araw - araw na ginagawa niya . Pero kung minsan ay inaabot pa ng hapon . Nakasanayan na nga niyang gawin pero hindi naman ito ang dahilan kung bakit tumigil na siyang magpaint ng mga nagugustuhan niyang imahe . Kumain naman siya ng niluto niyang ulam na para lang sa kanya . Ngunit sa tuwing kumakain siya sa hapag ay palagi niyang tinitignan ang katapat niya pero palagi niyang pinagmamasdan dahil duon laging pumepwesto si Alfred ng buhay pa siya .
Nang dati ay lagi lagi pang nagdedate sila kahit na agahan , tanghalian at hapunan , sa iba't ibang restaurant sa Manila . Pero ngayon , sa dining table na lang ng bahay nakain lagi si Alyssa .
Pagkatapos niyang kumain ng tanghalian ay agad naman niya itong hinugasan . Naligo naman siya agad at nagbihis . Inilabas naman niya lahat ng paintings na naitago pa niya ng mahabang panahon at pinunasan ang bawat gilid at sulok ng potrait paintings niya . At sunod naman ay inihanda niya ang canvas , potrait na pagpepaintan , colors at ang wooden paint brushes niya .
End of Third Person's POV
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alyssa's POV
Sa pagbangon ko kaninang umaga , hindi ko maiwasan na lumingon sa tabi ko . At palaging pinapaalala sa sarili ko na matagal na siyang wala . Pagpapatawad pa rin ang hiling ko sa kanya . Paulit - ulit at sunud - sunod kong sabi . Kasi napangunahan nanaman ako ng takot .
Simula kasi ng hindi ko inaasahang paglisan niya yan na lang palagi ang nararamdaman ko . Nangingibabaw yung takot na , mag-isa na lang ako araw araw . Yung grabeng unexpected talaga na dumating sa buhay ko . Na masyado kong ikinagulat at honestly ikinatulala ng mahabang oras .
Sinimulan ko ng magpaint muli pero ng tumagal tagal ay tingin ko naman ay hindi na gumaganda . Una kong pagpaint ay ang imahe ng isang babae na umiiyak na hawak ang patay na bulaklak ngunit ang luha naman niya ay malalaking patak na dugo na nakatingin naman sa isang puntod pero nakaupo siya . Sunod na pinepaint naman niya ay lalaking nakatalikod at habang tinitignan naman niya ang isang babae na nakatalikod sa kanya .
End of Alyssa's POV
--------------------------------------------------
Kiefer's POV
Pagkababa ko naman sa Car ko nakita ko naman siya na nagpepaint . Napangiti naman ako . Siguro naman nagtetesting muna siya ulit . At pumasok naman ako agad sa gate at pinagmasdan muli siya . Nakakapangrelax ngayon kasi stressed kami ni Von kanina ang sakit sa ulo ng bagong courrier ng company kasi naman nagkaskit ang kaibigan namin ni Von si Mang Canor .
Nakatali naman ang buhok niya paint brush niya yata ito , at nakapolo na blue at nakatalikod sa bintana . Pero ng makita ko siya na binato ang hawak niyang paint brush sa mismong pinepaint niya ay agad na akong umakyat ng bahay niya at gladly bukas ito . Nakita ko naman siya agad na nakatungo at patuloy lang sa pag-iyak .
Alyssa : (nakatungong patuloy pa rin sa pag-iyak)
Kiefer : Shhhhhhh!!!!!!!!!! (sabay yakap agad sa kanya) Tahan na ! Andito na ako .
Nagtagal ang pag-iyak niya ng niyakap ko siya pero ng mahawakan ko ang likod niya at hinimas ko napapahina na . Nang napatahan ko siya ay kumuha naman ako ng tubig sa kusina ng bahay niya at bago ako pala pumunta ay binigay ko muna yung panyo ko para punasan naman niya ang luha niya .
BINABASA MO ANG
Red Roses For A Blue Lady
FanfictionThis story is for KiefLy ONLY !!!!!! :) #ENJOY! :)