Kiefer's POV
Pinagbuksan ko siya agad ng pinto ng Car ko at agad naman siyang pumasok at sinara ko naman ang pinto pagkatapos niyang sumakay . Binuksan ko naman ang gate ng bahay niya at pagkatapos ay pinaandar ko naman ang Car ko palabas ng gate ng bahay at ng makalabas na yung Car ay sinara ko naman agad ang gate at nilagay agad ang padlock na binigay ni Alyssa sa akin at agad na akong sumakay ng Car at nagsuot ng seatbelt at pinaandar ko na yung Car ko .
Di makabasag pinggan ang hinhin ng aking katabi . Tahimik at nakatingin lang lagi sa labas ng window ng Car ko . Habang ako ay nakafocus lang sa daan na pupuntahan namin . Wala naman akong maisip na topic or tanong na pwede kong sabihin dahil napangunahan ako ng hiya at nailang tuloy ako dahil ito na yata ang pangalawang pagkakataon na makakasama ko siya . At siguro siya rin sa akin . Pero ang sinisigaw naman ng utak ko ay tanungin naman siya kung bakit siya nahilig sa paintings .
Kiefer : (nilakasan ang aircon sa loob ng Car)
Alyssa : (tinapat sa left side niya yung aircon) Hatchoo !!!!!!!!!!!
Kiefer : Sorry ! Malamig na ba ? (Set Med Cool sa aircon) (at binigay ang tissue na nakalagay lang sa harapan na nakapatong sa aircon)
Alyssa : Salamat ! Oo .
Kiefer : Ahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!! Can I ask , Kung bakit ka nahilig na mag paint ?
BINABASA MO ANG
Red Roses For A Blue Lady
Hayran KurguThis story is for KiefLy ONLY !!!!!! :) #ENJOY! :)