Foolish Heart

982 30 1
                                    

Third Person's POV

Lumipas ang ilang araw , ilang linggo at isang buwan na nga ang nagdaan ay bumalik sa dati ang sitwasyon . Ilang araw at ito nga ay umabot na nga sa linggo linggo ang pagsunod ni Kiefer sa kung ano na ang lagay ni Alyssa . Pero lagi naman siyang nakatanaw at nakamasid dito , ngunit pagkatapos naman ng trabaho niya ay lagi na siyang dumideretso dun sa mismong lugar ng bahay ni Alyssa . Ni isang hapon ay wala talaga siyang pinalagpas . Lagi niyang sinisigurado na ligtas ang babaeng Mahal Niya .

Si Alyssa naman ay lagi na lamang nasa bahay muli . Tila bumalik nanaman ang takot at kaba na ipakita sa mga tao na nakakakilala sa kanya na hindi naman siya nawala , nangibang bansa at nagtago . Dahil ang tanging gusto lang naman niya ay manatiling simple dahil dun siya nakilala ng mga tao dati na nakakapansin at naaaliw sa mga gawa niyang paintings .

End of Third Person's POV

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alyssa's POV

Nang ipaalam ko sa kanya na Mahal Ko Na Rin Siya bigla namang nabawasan ang mga problema ko , pero kaya lang naguguluhan na ako sa sarili ko . Pero ng mga panahon na nangyari sa gabing yun , naawa ako ng masyado kay Kiefer kasi ako naman talaga yung may kasalanan dito . Pinili ko na lang na manahimik kaysa mas lumaki pa ang gulong ito . Kaya naman pinakilala ko na siya kay Alfred , last week lang ako nakabisita sa puntod niya. Mahirap pero ginawa ko kasi para naman kay Kiefer ito . Ayoko namang maging selfish kapag nagmahal na uli ako .

Red Roses For A Blue LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon